MGIH C-35: Kiss in the Rain

6.7K 158 15
                                    

A kiss is a lovely trick designed by nature to stop speech when words become superfluous.
-Ingrid Bergman

Kath's POV

Pinabayaan ko na lang siyang hawakan yung kamay ko habang lumulusong kami sa ulan. Ewan ko nga kung anong trip nito eh.

"Tyler, hindi mo ba tatawagan si—Oh my gosh! Yung cellphone ko nasa bulsa ko! Baka masira yun," worried kong sabi.

"Basa na rin naman eh. Pabayaan mo na. Wag na rin nating tawagan si kuya. Lakarin na lang natin. Medyo malapit lang naman 'to sa bahay," he faced me then flashed a sweet smile. Ang gwapo ng itsura niya ngayon. Wet look. Kyaaaaaaaah!

"Baka magkasakit naman tayo nito," I said worriedly.

"Don't worry, pag nagkasakit ka, aalagaan kita. Pag ako naman ang nagkasakit, aalagaan mo ulit ako," he said with a bright smile on his face.

"Pag ako nagkasakit, ikaw ang sisisihin ko! Kasalanan mo 'to eh! Ang lakas kasi ng trip mo eh!" nakangiti kong sabi sabay tulak sa kanya nang mahina.

"Hindi ka na yata nagsusungit sakin? Mahal mo na talaga ako 'no? Aminin mo na kasi para di na ako nahihirapang isipin kung tama nga yung hinala ko. Para akong bumubuo ng rubik's cube eh. Kulang na nga lang magpaka-Detective Conan na ako para malaman kung ano ba talagang feelings mo sakin," hirit niya.

"Sino ba kasing nagsabi sayo na isipin mo?" I asked chuckling.

Napakamot siya ng ulo bago nagsalita ulit.

"Nakaka-curious kasi yung pagbabago ng treatment mo sakin."

"Hmm?"

"Dati kasi pag nakikita mo ako parang gusto mo kong ipa-torture sa mga alagad ni Satanas, ipalapa kay Barney, at ikulong sa isang kwarto kasama si Vice Ganda," natawa ako sa sinabi niya.

"Pero ngayon, di mo na ko sinusungitan. Hindi ka na rin umiiwas sakin. Na-develop ka na sakin 'no?" he teased.

"Naawa lang ako sayo kaya di na ko ganun kasama sayo. May puso rin naman ako," pagdadahilan ko habang nakatingin sa mga dumaraang kotse.

"May puso ka naman pala eh, ba't di mo ako kayang mahalin?" pabiro niyang tanong.

"Mahalnakayakita."

"Huh?"

Napatakip ako ng bibig. Nagulat din ako sa sinabi ko. Buti na lang di niya naintindihan.

"Never mind," maikli kong sagot.

"Ano nga yun?" sabi kong never mind eh! May utak ba 'tong lalaking 'to?

"Sabi ko malamig," nagulat ako sa biglang pagkabog ng dibdib ko nung bigla niya akong niyakap.

**Dug dug, dug dug**

"See? Maski sa yakap ko, di ka na nagpupumiglas na akala mo kidnapper ako. Kung kidnapper ako, eh di sana kinidnap na kita at ikinulong sa puso ko at ang ginawa kong kapalit ay ang pagmamahal mo. Pero hindi ko na kailangan gawin 'yon," tumigil muna siya saglit.

"Kasi mahal mo na rin ako."

"Stop daydreaming!" sabi ko saka sinipa yung tubig na naipon sa sidewalk papunta sa kanya.

**Splaaaaash**

Naramdaman kong gaganti siya kaya tumakbo agad ako kahit medyo madulas. Assassin ako dati kaya marunong akong mag-sneak at makiramdam sa paligid ko.

**takbo here, takbo there**

Power Puff Girls, help me! Hinahabol ako ni Mojo jojo! Waaaaaaaaaah!

Marrying the Guy I HateWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu