MGIH C-17: Confused

6.9K 176 6
                                    

Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage.
-Lao Tzu

Charles' POV

Wag ka ngang magmaang-maangan na hindi tayo nakatira sa iisang bahay!

Wag ka ngang magmaang-maangan na hindi tayo nakatira sa iisang bahay!

Wag ka ngang magmaang-maangan na hindi tayo nakatira sa iisang bahay!

Paulit-ulit na nag-e-echo yan sa utak ko.

Bro, invited ka nga pala sa kasal namin.

Bro, invited ka nga pala sa kasal namin.

Bro, invited ka nga pala sa kasal namin.

Isa pa 'to.

Konti na lang mababaliw na ako.

Monday na ngayon. Pero wala akong balak pumasok. Sa tingin niyo makakapag-isip pa ko ng maayos kapag pumasok pa 'ko sa school? Kung tatanungin niyo naman kung nakatulog ba ako kagabi, ang sagot ko, SANA.

Kagabi ko pa iniisip kung totoo ba yung sinabi ni Tyler. Sabi niya kasi, nagli-live in daw sila. Tapos naalala niyo pa ba nung tumawag ako kay Kath? Di ba may sumigaw tapos ang tawag niya kay Kath, loko. Eh loko din yung tawag ni Tyler kay Kath nung naglalakad kami kahapon. Kaya rin siguro ayaw ni Kath na sunduin ko siya kasi magkasama sila ni Tyler sa iisang bahay. Ugh! Naiinis ako! Totoo bang ikakasal sila? Kaya ba ko tinatanong ni Kath tungkol sa magiging reaksyon ko kapag ipinakasal siya sa iba kasi matagal na silang arranged? Pero bakit di niya man lang sinabi sakin? Baka naman hindi talaga totoo. Sabi niya kasi, di naman daw totoo. Malaki ang tiwala ko kay Kath. Di siya magsisinungaling sakin. Pero bakit lahat ng pangyayari, magkakatugma? Parang connected sa isa't isa. Ugh. I'm so confused!

Dapat di muna ako magpadalos-dalos. May tiwala ako kay Kath at ayokong sirain yun just because of this stupid thing! Baka nagkataon lang naman. Nagkataon? Nagkataon lang na yung tawag ng kasama ni Kath sa kanya at ni Tyler ay iisa? Parang imposible naman na coincidence lang yun. Tapos sakto pang natanong sakin ni Kath na—Ugh. Sasabog na yung utak ko. HINDI SILA PWEDENG IKASAL! Ako lang ang nababagay na maging groom ni Kath! Ako lang!

Ngayon ko lang napansin na tumulo na pala yung luha ko. Ang gay ko na naman. Shit! Mahal ko kasi talaga si Kath eh! Sabi niya di niya 'ko iiwan. Promise niya yon. Pa'no na lang ako kapag kinasal sila? Sa tingin ko, di na dapat ako mag-exist sa mundo kung yun lang din ang mangyayari.

**

Kath's POV

Nakakulong ako ngayon sa kwarto. Mugto ang mata. Alam niyo naman siguro ang dahilan. A-absent na lang ako ngayon.

Someone knocked on my door.

"Kath, ready na ang breakfast! Bumangon ka na dyan! May pasok na!" sabi ni manang na nasa labas ng pinto.

"Masama po ang pakiramdam ko, manang. A-absent po ako ngayon."

"Dadalhan na lang kita ng almusal. May gusto ka bang kainin?" tanong niya.

"Wala po akong gana," narinig ko yung footsteps niya na papaalis.

After 150 years, lumabas na rin ako ng kwarto na parang zombie. Pero imagination ko lang yon. Imposible namang buhay pa 'ko after 150 years kasi baka mamaya lang patay na 'ko. Gusto kong magbigti.

I have a bright idea!

Magpapakamatay na lang talaga ako. Tutal monster lang din naman ang pakakasalan ko.

Hinanap ko yung cutter sa bag ko. Wala naman kasi akong blade or something.

Nilapit ko yung blade sa may pulso ko at akmang hihiwain na ito nang biglang bumukas yung pinto.

"Kath!" sabay na sigaw ni manang at ni Tyler.

Lumapit sakin si Tyler at kinuha yung cutter.

"Kath, wag mong gawin 'to. Kasalanan 'to," tapos niyakap niya ko. Tinulak ko naman kaagad siya.

"Hindi mo ba naisip na ikaw ang may kasalanan kung bakit gagawa ako ng kasalanan? Tyler, sinira mo yung buhay ko. Masaya na sana ako ngayon kung hindi ka dumating! Ilang beses kong winish na sana mawala ka na lang! Pero hindi naman nangyayari kaya naisip ko na ako na lang dapat ang mawala!" sigaw ko.

**

Tyler's POV

"Hindi mo ba naisip na ikaw ang may kasalanan kung bakit gagawa ako ng kasalanan? Tyler, sinira mo yung buhay ko. Masaya na sana ako ngayon kung hindi ka dumating! Ilang beses kong winish na sana mawala ka na lang! Pero hindi naman nangyayari kaya naisip ko na ako na lang dapat ang mawala!" para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

Nakokonsensya na ako sa lahat ng ginawa ko para sirain sila ni Charles. About dun sa arranged marriage na naganap? Pakana ko rin yun. Pinilit ko yung parents ko na i-bankrupt yung company nila Kath para pumayag silang ipakasal si Kath sakin. Ayun, successful naman. But after all, si Charles pa rin. Si Charles pa rin ang mahal niya.

Ayokong sumuko dahil marami na akong nagawa. Sayang naman yung effort ko. Kaso, parang nakakakonsensya na eh. Mukhang galit na galit siya sakin. Biruin mo, winish niya na mawala ako. Medyo nasaktan ako dun dahil wala pa rin akong epekto sa kanya. Wala pa rin talaga siya kahit konting feelings para sakin. Ayoko pa ring sumuko pero paano na lang pag tinuluyan niya na yung sarili niya? Ugh. Naguguluhan ako. Ang sitwasyon kasi namin ngayon, hawak ko siya pero pilit pa rin siyang kumakapit kay Charles at si Charles naman hinihila siya pabalik. Oo, kontrabida ang role ko sa buhay niya at si Charles ang leading man niya. Hindi ba pwedeng ako na lang yung leading man ng buhay niya? I can also do all the things that Charles can. I can even treat her better than he can.

I can make her happy but she's always rejecting me. I can be sweet and gentle but she doesn't even care. I can be her prince but she doesn't want to. I can be her best friend but she treats me like an enemy. I can be her hero but she thinks I'm a monster. I want to be her angel but she's telling me that I'm a devil. She's my life but I ruined her own life. I feel so hopeless but I will never give up.

Giving up is not included in my vocabulary.

Marrying the Guy I Hateحيث تعيش القصص. اكتشف الآن