MGIH C-29: Movie Marathon

6.2K 159 5
                                    

Love is the joy of the good, the wonder of the wise, the amazement of the Gods.
-Plato

Kath's POV

Hindi ako makapag-concentrate sa pinapanood namin.

Si Tyler naman kasi nakaakbay pa sakin. Kanina ko pa tinatanggal pero binabalik niya ulit. Pati yung popcorn ko tinarget niya na rin.

"Hahahahahahahahahaha!" bigla na lang tumawa si Tyler. Tawa ng tawa. Hindi naman nakakatawa yung scene na yun ah! Nasisiraan na 'to tsk tsk!

"Siraulo ka ba?" natatawa kong tanong.

"Pfffft!" nagpipigil pa ng tawa ang loko. Namumula pa! Parang bakla!

"Bakla ka ba?"

"Kung bakla ako, hindi ako mai-in love sayo, mai-insecure ako sayo. Ang ganda mo kasi," nakangiting sabi niya. Ang hilig niya na yatang ngumiti. Di kasi siya mukhang monster kapag nakangiti, mukha siyang anghel. Wait. Pakiuntog nga ako, baka bumalik na ulit sa dating posisyon yung brain ko. Natanggal kasi sa pagkaka-tape eh. Gumulong-gulong tuloy. Kaya ayan, kung ano-anong pinagsasasabi ko. Anong anghel? Si Tyler, anghel?

"Saka di kita hahalikan kung bakla ako nag-blush naman ako sa sinabi niya.

Nung nasa kissing scene na, napatingin ako bigla kay Tyler na nakangiti. Tumingin siya sakin at ngumisi.

"Gusto mo gayahin natin?" he said then grinned.

"No way! Are you out of y—" but before I continue what I'm saying he covered my mouth with his lips.

"Loko, ba't nakatulala ka sa screen? Di ka maka-getover sa kissing scene? Tapos na kaya! Credits na nga eh!" I came back to my senses when he poked me.

Yuck! Kung ano-anong disgusting things yung nai-imagine ko! Kailangan ko na yatang pumunta sa mental hospital. May sira na yung utak ko. Nahawa na 'ko ng maniac virus ni Tyler!

"Gusto mo gayahin natin?"

Nakikita ko na ba yung mga mangyayari sa future?

"No way! Are you out of your mind?" ay buti na lang hindi. Natapos ko pa yung sasabihin ko eh.

"Definitely yes. Lumilipad kasi yung utak ko eh. Naglalakbay sa puso mo, tinitingnan kung may space pa para sa tulad ko."

"Corny mo!" sabay tulak sa kanya.

"Kumain kasi ako ng popcorn," nakangiting sabi niya.

"So, anong next nating papanoorin?" tanong ko. Natin talaga 'no? Di ko rin naman mapapaalis 'tong monster na 'to eh kaya payag na lang ako na kasama siyang manood.

"Yung horror. Hmm, Insidious na lang," kinuha niya yung disc tapos isinalang sa DVD player.

"Loko, wait lang. Baba muna ako. Kuha lang ako ng snacks."

"W-wait. Mayroon pa naman eh. Mamaya ka na kumuha," sabi ko. Actually, natatakot kasi ako. Nagsa-start na kasi yung movie, eh ang creepy ng tunog.

"Are you scared?" tanong niya.

"Of course not! Sige na! Kumuha ka na ng snacks! Damihan mo ah!" di naman lalabas sa screen yung mga scary creatures dyan sa movie kaya wala dapat akong ikatakot. Isa pa, dapat immune na ako sa scary creatures dahil isa na mismo sa mga yon ang nakakasama ko sa araw-araw na ginawa ng Diyos... si Tyler.

"Okay," di ko na nakita yung paglabas niya kasi nakatutok ako sa screen.

After a few minutes, may narinig akong patak ng tubig na parang galing sa shower. Hininaan ko kasi yung volume nung speaker kaya narinig ko yung pagpatak. Baka kasi biglang may sumigaw o kaya may nakakagulat na sound effects sa movie kaya hininaan ko.

Napatingin naman ako sa cr. Kinabahan ako nung nakita kong bukas yung pinto. Nakasara yan kanina eh. Ang nakakatakot na tanong, sinong nandun?

Hindi kaya... Waaaaaaaaaah! Si Chuckie? Si Ju-on the Grudge? Si Sadako? Si Mama? Si...

"TYLER!" yumakap agad ako sa kanya nung nakita ko siya. Niyakap niya ako pabalik.

"It's okay, baby," he whispered while caressing my back.

"Tyler, m-may multo sa cr," sabay turo ko sa cr na parang bata.

"Sorry, I frightened you," he pulled me into a hug again then he kissed me on my forehead.

"Huh? Do you mean, ikaw yung nandun?"

He nodded.

"Nakakainis ka naman eh! Akala ko si Sadako na yung nagsha-shower!" pinalo-palo ko siya sa chest habang nakahawak siya sa baywang ko.

He chuckled.

"Akala ko ba hindi ka takot?" pang-aasar niya.

"Sinadya mo yun 'no?" naka-pout na tanong ko. Kainis talaga 'tong lalaking 'to! Kung hindi ako aasarin, pagtitripan ako! Tsk!

"Tiningnan ko lang naman kung matatakot ka eh. Effective pala," he said then flashed an evil grin.

"Pero ang cute mo palang matakot. Parang bata!" pinisil-pisil niya pa yung ilong ko pati yung cheeks ko.

"Kulang na lang sumigaw ka ng Mommy! Mommy!" dagdag pa niya.

**

Natapos naming panoorin yung Insidious habang nagkukulitan. Kaunti na lang talaga, mapapatid na yung lubid na kinakapitan ko at mahuhulog na ako... sa kanya.

"What's next?" tanong ko.

"The Descent na lang o kaya Saw para ganahan naman tayo sa pagkain."

"The Descent na lang! Ilang beses ko ng napanood yung Saw eh. At least yung The Descent, four times pa lang," sabi ko saka sinalang yung disc.

Habang nanonood kami ng movie, may naramdaman na naman akong kamay na nakaakbay sakin. Tumingin ako kay Tyler na seryosong nanonood. Bigla siyang lumingon sakin tapos nakita kong may cut yung leeg niya tapos tuloy-tuloy yung pagtulo ng dugo. Pati yung mata niya may dugo rin. Tapos ngumiti siya sakin, yung ngiting demonyo.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaah!" sigaw ko.

"Loko, wake up!"

Pagmulat ko, nakita ko agad si Tyler. Wala siyang cut at maayos yung itsura niya. Oh God! It was just a dream. Nakatulog pala ako sa kalagitnaan ng movie.

"Are you okay now? God! Akala ko binabangungot ka na dyan! Sino bang napanaginipan mo?" nag-aalala niyang tanong.

"Ikaw!" sakto naman sa sinabi niya. Akala niya babangungutin ako. Eh siya yung napanaginipan ko. Naku, babangungutin talaga ako nun.

Pero sa halip na sumimangot siya or whatsoever, ngumiti siya.

"Bakit ka nakangiti? Naka-drugs ka na naman?" nagtatakang tanong ko.

"Kasi ako yung napanaginipan mo," nakangiting sagot niya.

"Eh kamuntik na nga akong bangungutin sa panaginip kong yun eh! Monster ka talaga maging sa panaginip ko!" pagsusungit ko.

"At least ako yung napanaginipan mo. It means ako yung naiisip mo," sabi niya. Tss! Kalokohan!

"Oo, ikaw yung nasa isip ko. Pinag-iisipan ko kasi kung paano ka papatayin," oh ano? Sasabat ka pa?

"Okay lang basta dyan ako ililibing sa puso mo," he said then winked.

SANA YUNG FEELINGS MO NA LANG SAKIN YUNG ILIBING PARA DI AKO NAHIHIRAPAN NGAYON.

Marrying the Guy I HateOnde as histórias ganham vida. Descobre agora