MGIH C-42: First Date

6.8K 138 6
                                    

Keep love in your heart. A life without it is like a sunless garden when the flowers are dead.
-Oscar Wilde

Kath's POV

"Loko, nanaginip ako kagabi! Nagkatotoo yung sinabi ko na kahit sa panaginip lang mag-a-I love you, too ka! Hinalikan mo pa nga raw ako sa noo eh," baliw! Hindi panaginip yun!

"Sana nga totoo na lang yun eh," nakangiti niyang sabi habang nagde-daydream pa.

Nasa bedroom ko kami ngayon. Nakahiga siya sa kama ko habang hinihintay niya akong mag-ayos. May 'date' daw kasi kami ngayon. Tss!

**Flashback**

"Loko, wake up! We have a date! C'mon sleepyhead!" inaalog-alog niya pa ako. Ano ba naman yan! Inaantok pa ako eh!

"Hmm. Later na. I'm still sleepy," I said with husky voice.

"Ah... ayaw mo..."

"Aaaaaaaaaaaaah! Stooooooooop! Malalaglag ako!"

Kaladkarin daw ba ako? Yung tipong hawak niya yung dalawang paa ko habang nakahiga ako tapos hinihila niya ako.

**End of flashback**

Naka-white dress ako na may polka dots. Nagsuot din ako ng earings and necklace.

Naisip ko nga eh, parang todo porma naman ako ngayon. Samantalang simple lang yung suot ko nung first date namin ni Charles. First date namin 'to ni Tyler. Di ko naman kasi kino-consider na date yung mga outing or strolling namin.

"Ang ganda mo talaga, Loko. Kaya bagay tayo eh. Maganda ka tapos SOBRANG gwapo ko naman," I just rolled my eyes for what he just said. I don't have time to argue with him. Baka tangayin lang ako ng hangin niya!

Nagpunta kami sa Italian Restaurant. Naki-cr lang kami dun. Joke! Syempre kumain kami. Wag niyo ng tanungin kung anong kinain namin kasi ang hirap bigkasin. Hindi na nga namin sinabi kung anong order namin sa waiter eh. Tinuro na lang namin dun sa menu. Buti na lang may menu sila, hindi katulad sa mga fast-food chains na sasabihin mo kung anong o-order-in mo, kundi baka tubig na lang ang bilhin mo kasi yun lang ang madaling bigkasin. Patay na ang mga bulate mo nun sa tiyan kung bibigkasin mo pa yung mga putahe nila dun.

"Where d' you want to go next?" Tyler asked.

"Hmm, mag-mall na lang tayo! Arcade ulit tayo, dali!" excited kong sabi.

Yung itsura niya parang natatae na naiihi na kinakabahan na napipilitan na ewan ko ba dyan. Nagka-trauma na ba siya sa mall? Hahaha! Nag-flashback tuloy sa utak ko yung nangyari noon nung tinataguan namin si Charles. Actually, nung time na yun hindi ko alam kung kanino ako sasama pero I ended up being with Tyler. Eh kahit naman kay Charles ako sumama, pag uwi ko rin naman sa bahay sino bang makakasama ko, I mean, anong creature ba ang makakasama ko? Di ba yung monster din naman na yun?

**Arcade**

"Tyler, ikaw nga ang mag-try. Hindi ko kasi makuha yung stuffed toy eh!" sabi ko sa kanya. Nasa crane kasi ako ngayon. Pang twelfth try ko na kasi 'to. Desperado na kasi talaga akong makuha yung monster na stuffed toy na yun eh.

"Ano bang gusto mo dyan?" tanong niya.

"I want that monster!" parang bata kong sabi habang naka-pout.

"Bakit yung monster? Ba't hindi na lang yung cute stuffed toys dyan? Kakaiba ka rin eh 'no?" wika niya.

"Eh yan yung gusto ko eh!" sigaw ko pero di naman kalakasan.

He smiled. Baliw talaga.

"Bakit na naman? May nakakatawa ba?"

"Nothing. Ang cute mo kasi!" then he pinched my cheeks.

Marrying the Guy I HateWhere stories live. Discover now