MGIH C-5: Date

10.7K 234 4
                                    

Love takes off masks that we fear we cannot live without and know we cannot leave within.
-James A. Baldwin

Tyler's POV

I'm Reid Tyler Stewart, the handsome brother of Keisha Lorraine. Our parents own Stewart University and it's my fourth year in high school now.

Nasa clinic ako ngayon. Ginagamot ni Dawn yung sugat ko. Bwisit naman kasi yung Charles na yan! Kung di dahil sa kanya, wala sana ako ngayon dito. Narinig kong nag-uusap sila Ashley at Lorraine kaya lumabas ako sa ward. 'Tong kapatid ko talagang 'to, kala mo concerned. In fact, siya naman lagi ang nagdadala sakin sa kapahamakan.

Paglabas ko bumungad kaagad sakin si Lorraine, ang napakabait kong kapatid. Pero may isang babae na pumukaw ng atensyon ko. Naks! Pumukaw? Sa'n ko napulot yun?

"Kuya! Nakipag-away ka na naman?" bungad sakin ni Lorraine.

"Stop acting like you care, Lorraine," sabi ko naman sa kanya. Mean na kung mean. Ayokong magpaka-plastic. Besides, sanay na yan sa ugali ko.

"Nakakahiya ka kasi. They all know that you're the son of the owner of this school! God! Tapos basagulero lang hayop ka! Stop being an asshole! It'll ruin our reputation!" aba't ipahiya ba daw ako? Nandyan kaya si future babe! Papatulan ko na 'to eh!

"Tss. I don't care. In fact, si Charles naman kasi ang may kasalanan. He started the fight, tinapos ko lang," I defended.

"What did you say? Charles?" biglang sumingit si future babe. Teka, kilala niya yung lokong yun?

"Kath, kilala mo yung Charles?" tanong naman ng magaling kong kapatid. So Kath pala ang pangalan niya. I will stalk her. Mwahaha! Joke lang! Asa! Di mangyayari yun over my hot dead body. Sa gwapo kong 'to? Di bagay sakin ang maging stalker 'no! Hindi ko kailangang mang-stalk ng babae dahil babae na mismo ang nang-ii-stalk sa akin.

"Ano bang apelyido niya?" tanong niya naman. Baka naman ibang Charles yung kilala niya. Kasi mukhang interested siya sa Charles na yun. Eh mukhang wala namang magkakainteres sa gagong Charles na nakaaway ko eh! Kung kay Perez siguro, pwede pa!

"Charles Gomez. Do you know him?" tanong ko.

"Nope. Kapangalan lang pala. Kala ko yung boyfriend ko. Sorry for interrupting you."

May boyfriend na siya? Sayang! Liligawan ko pa naman 'to. Pero ayos lang yun. Boyfriend pa lang, hindi asawa. Aagawin ko siya. She'll be mine, that's for sure.

Ayoko ng makinig sa usapan nila kaya lumabas na agad ako ng clinic nang walang paa-paalam. Di ko ugali yun. Goodbyes suck.

After class, tinanong ko agad si Lorraine about her. May silbi rin naman pala 'tong kapatid ko kahit papaano. Nalaman kong transferee student siya at Smith ang surname niya. Nice! Di ko naman siya iso-stalk eh. Inaalam ko lang yung mga basic info about her.

**

Kath's POV

Time check: 5:51 pm

I'm all done!

A car honked.

Si Charles na siguro yan!

Nagmadali na kong bumaba at lumabas ng gate.

"Babe!" tawag niya sakin. Lumapit naman ako papunta sa kotse niya. Hindi siya yung nagda-drive. May driver siya. Motor lang daw ang kaya niyang i-drive eh.

Binuksan niya yung pinto ng kotse tapos pumasok na ko sa loob tapos pumasok na rin siya.

"Charles, sa'n tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

Marrying the Guy I HateDär berättelser lever. Upptäck nu