MGIH C-36: Crush at First Sight

6.4K 132 5
                                    

Love... it surrounds every being and extends slowly to embrace all that shall be.
-Khalil Gibran

Andrea's POV

"Kath naman. Where art thou?" kinakausap ko na naman ang sarili ko. Sabi kasi ni Kath, pupunta lang siya ng cr pero wala na siya dun pagpunta ko. *pouts*

"Liz, may transferee raw na pogi," pagre-report ni chismosa #1 sa best friend niya.

"Yeah, I know! Ako pa ba? Updated yata ako issueng ganyan," mayabang na sabi ni chimosa #2. Basta pogi, updated 'tong mga chismosang 'to pero pag yung coverage ng exam, akala mo mga taong bundok.

"Tss. Puro love life ang iniisip nila. Buti pa ako... a-a-ang g-gwapo naman nun!" makalaglag panty naman yung naglalakad papalapit sakin. Wake up Andrea, wake up! Nag-iilusyon ka na naman dyan. Ito na ba yung epekto ng lack of love life? Jusmiyo Marimar!

Bigla namang parang nag-pink ang paligid at kaming dalawa na lang ang tao.

"Uhm, hi miss," Uwaaaaaaaah! Uh-Uh-Ah-Ah. Unggoy lang? Nakanganga pa pala ako. Shit! Kakahiya!

Di ko alam kung anong pumasok sa utak ko. Kung black widow spider ba o centipede. Bigla ko na lang kasi siyang hinawakan na para bang hindi makapaniwalang totoo siya.

"Miss?" I came back to my senses when he spoke.

"Pag hinahawakan kita, nawawala yung mga nakakatakot na nakikita ko," bigla kong nilagay yung dalawang kamay ko sa mukha ko nung na-realize ko kung anong sinabi ko.

Pinagbubulungan na ako ng mga tao kesyo nababaliw na raw ako. Yung iba naman sinasabing nagbabaliw-baliwan daw ako para mapansin. Tch! But I don't care. In fact, I love it! Ang iniisip ko lang, ano kayang reaksyon niya?

"Miss, ayokong ma-offend ka pero... nababaliw ka na ba?" shoot! Ganun din ang tingin niya sakin.

Haaays. Minsan na nga lang magka-love life, epic pa.

"Of course not! I'm just practicing my acting skills," palusot.com. Ni hindi ko nga naisip na pumasok sa showbiz eh!

"Okay?" mukhang nagda-doubt pa siya ah! Hambalusin kita dyan eh! Ayoko na sayo kahit gwapo ka pa! Pag pinalapa kita sa tigre, magiging kamukha mo si Jake sa Adventure Time.

Humarap siya sa isang babae at nagtanong.

"Miss, do you know Kath?"

"K-kath?" namumulang sabi ng babae. Psh! MALANDIIII!

"Yes. I'm looking for Katherine Bernadette Smith," napa-gasp naman ang mga babaeng nasa paligid niya.

"Yung Kath na naman na yun? Magnet ba siya? Bakit lahat na lang ng pogi lumalapit sa kanya?" naiinis na sabi ni insecure frog #1.

"Yeah, right! Saan ba pinaglihi ng nanay niya yung malanding yun? Sa magnet?" sabi naman ni insecure frog #2.

Makasabi siya ng malandi sa best friend ko ah! Hindi niya kilala si Kath kaya wala siyang karapatang husgahan si Kath! Palibhasa insecure kaya puro panlalait ang lumalabas sa bibig. Ambitious frogs! Tss!

"Don't you dare say something bad about my best friend, you insecure frogs!" nanggagalaiti kong banta.

"Bakit anong gagawin mo, you little ugly bitch?" napakanice naman nila. Pati ako nadamay pa ah. Nangangati tuloy yung kamao ko, parang anytime mananapak ako ng palaka dito!

"W-w-w-wait. Hindi malandi si Kath at hindi rin siya malandi. No offense ah, pero mas mukha pa kayong malandi kaysa sa kanila eh," hinawakan niya pa ako sa braso. Ayiiiiieh! Kinilig naman ako dun. Yung hormones ko nagwawala! Malandi ako, malandi!

Marrying the Guy I HateWhere stories live. Discover now