MGIH C-55: Good or Bad News

Comenzar desde el principio
                                    

"Hoy! Tumabi ka nga dyan!"

"Damn! Are you out of your mind?!"

"Tangina kung magpapakamatay ka, wag kang mandamay!"

Pero isa lamang ang sagot niya.

"MAGPAPAKASAL PA KAMI NI TYLER!"

Nasisiraan na nga talaga siya ng ulo.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa paghahanap at pagsigaw. Naiirita na sa kanya ang mga driver at pati pasahero dahil naging dahilan siya ng traffic.

Puro sigaw at mura ang natitikman niya sa mga kaskaserong driver, sa mga male-late na sa trabaho, mga pasaherong mainit ang ulo at excited ng umuwi, mga magbabarkadang magmo-mall, pati na rin pamilya na nag-aagaw-buhay ang kasapi na nakasakay sa ambulansya.

Ngunit parang naka-program na sa utak niya ang sasabihin. Iisa lang ang kanyang sinasabi.

"MAGPAPAKASAL PA KAMI NI TYLER!"

Pero kung akala niyo na siya lang ang nakikipaglaro ng patintero sa mga sasakyan, nagkakamali kayo dahil pati mga pulis at MMDA ay nagpapahabol na rin kay Kamatayan para siya ay dakipin.

"Miss! Miss!"

Para silang nagpapatintero, naghahabulan at nagtataguan pero bandang huli, nahuli rin nila ang dalaga na wala sa sarili.

"Miss, no offense po ah? Nasisiraan na po ba kayo ng bait? Labag na po sa patakaran ang ginagawa niyo! Maaari rin po kayong madisgrasya sa ginagawa niyo eh! Eh mukhang kakagaling nga lang po ninyo sa ospital miss eh tapos madidisgrasya na naman po kayo. Maawa naman po kayo sa sarili niyo, miss."

"Sumama na rin po kayo sa amin," dagdag pa ng isa.

"NO! GET OFF ME! YOU'RE HURTING ME! DON'T YOU KNOW THAT?! UGH!" reklamo ng dalaga habang pilit na kumakawala sa mga bisig ng awtoridad. Ngunit tila wala itong naririnig.

"LEAVE ME ALONE! HINDI AKO SASAMA SA INYO! IKAKASAL PA AKO! MAGPAPAKASAL PA KAMI NI TYLER! PAKAWALAN NIYO AKO!" sigaw niya sa gitna ng pagpalag.

"Miss, stressed ka lang. Kakagaling mo lang sa ospital oh! Maawa ka naman sa sarili mo!"

"Oo nga, miss. Wag ka ng—"

"DAMN IT! BOBO BA KAYO?! O SADYANG MAKITID LANG YANG UTAK NIYO? DON'T YOU UNDERSTAND?! I SAID, LEAVE ME ALONE! I'M GOING TO MARRY TYLER! I'M ON MY WAY TO CHURCH! ANO?! TAGALUGIN KO PA? TANGINA, SABI KO, LUBAYAN NIYO NA AKO, MAGPAPAKASAL PA NGA AKO AT PAPUNTA NA AKONG SIMBAHAAAN! NAIINTINDIHAN NIYO BA YON?" hindi niya na talaga kinaya. Bwisit na bwisit na siya sa mga ito.

"Bobo pa yan. Hindi pa rin na-gets," bulong ni Kath.

"Miss, eh kasi nga—"

"PUTA NAMAN OH! ANO 'TO? GAGUHAN? GAGUHAN?"

"Miss, makinig ka kasi mu—"

"YOU listen to ME. Hindi ako nakikipaggaguhan sa inyo, huh? Magpapakasal pa nga ako. Nakikita mo ba 'to? *pinakita niya yung ring finger niya* Fuck! Where's my ring? *Boogggsshh*" sa di inaasahang pangyayari, nasapak niya ang isa sa kanila.

Agad siyang nabitawan ng mamang nakahawak sa kanya kaya agad siyang tumakbo nang mabilis. Yung bilis na tipong hindi mo aakalain na nasa gitna siya ng kalsada.

"TYLEEEEEER! UMUWI NA TAYOOO, TYLEEEER! ASAN KA NA BA?" sigaw niya habang umiiyak.

"Pinagtutulungan nila ako *sobs* ayaw nilang maniwala na ikakasal tayo *sobs* di ba ikaw lang naman yung pakakasalan ko? *sobs* Bakit hindi sila naniniwala? Dahil ba *sobs* nawawala yung singsing *sobs*? Asan ka na ba kasiiii? Ba't mo ako iniwan *sobs*? Sino nang magtatanggol sakin *sobs* kung wala ka na?" mahinang sabi ng dalaga habang naglalakad sa sidewalk. Napagod na kasi siya kakatakbo.

Marrying the Guy I HateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora