Claws 8

2.4K 39 0
                                    

Chapter 8

Kanina pa nakaalis ang taxi na aming sinakyan pero heto parin kami at nakatunganga sa harap ng isang eskinita. Ang excitement kong nararamdaman kanina ay parang bula na biglang nawala ng makita kung saan kami bumaba.

"Kung tutunganga ka nalang dyan, mas mabuti sigurong bumalik ka na lang sa Academy." Tumalikod na siya at nagsimulang pumasok sa eskinita. Agad naman akong sumunod sa kanya. I don't know this place kaya kapag iniwan niya ako ay sure na maliligaw ako. Wala pa naman akong sense of direction.

"Saan ka ba pupunta?"

"Sa impyerno."

"Gusto mong masapak? Sagutin mo ako ng maayos ha!"

Habang binabagtas namin ang daan papasok ay mas lalong dumidilim ang paligid. Ok, hindi ako matatakuting tao pero hindi ko maiwasang matakot ng konte dahil una ay hindi ko alam kung ano ang pupuntahan namin. Pangalawa hindi ko gaanong kakilala itong kasama ko, malay ko ba kung mamamatay tao pala to eh di goodbye world na ako. At pangatlo, kinikilabutan ako sa mga nadadaanan naming mga tao, halos lahat ay mga lalaki na may mga tattoo sa katawan. Panay ang lingon nila samin na tila ba mga masasarap kaming karne na pwede nilang lantakan. Ang mas nakakainis pa doon ay ang mga tingin nilang parang hinahagod ang buo kong katawan. Ito ang ayoko sa mga tambay eh, mga mukhang adik at manyak!

Nahinto kami sa paglalakad nang may tatlong lalaking humarang sa aming dinadaanan.

"Himala yata boss at naisipan mong bumisita dito. Tagal nating hindi nagkita ah!" sabi nung lalaking kulang nalang ay magpalagay ng tattoo sa mukha para pwede na siyang matawag na tattoo na tinubuan ng katawan. Tyaka ano raw? BOSS?! Bakit nila tinawag na boss itong si Third.? Kinalabit ko siya at bumulong.

"Bakit boss ang tawag nila sayo?" hindi siya sumagot at binalik ang tingin sa lalaking maraming tattoo. Abay bastos din pala toh eh! Kinakausap tapos hindi manlang sumagot! Grrrrr! Nakakapanggigil ang ganitong tao.

"Woah at nagdala ka pa ng chicks boss. Jowa mo?"

Sinamaan ko ng tingin yung isa pang lalaki. Tinawag ba naman akong chicks?! Alam kong maganda ako pero ikumpara ba naman ako sa sisiw? Ihawin kita dyan eh! Tyaka ano raw jowa?! Nino?! Nitong kasama ko?!

"Kamusta ang kulungan?" maya-mayang tanong ni Third. Teka? Kulungan?!

"Wala namang problema boss." Sagot nung isa. Hindi na nagkumento si Third at nalakad papasok sa isang pinto. Mabilis akong sumunod sa kanya sa takot na maiwan dito sa tatlong mukhang adik.

"Third. Anong ibig mong sabihing 'Kulungan'? pulis ka ba?" hindi ito sumagot at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad dito sa madilim na tinatahak namin.

"Ok nice talking. Back to you Yen." Sabay irap ko. Sarap kausap peste.

"Boss!" may tumawag na naman sa kanya at this time ay wala ng tattoo sa katawan. Maayos na ang pananamit hindi tulad nung tatlo kanina na nagmumukhang tambay. Tumango lang sa kanya si Third at nilagpasan ito. Pinagbuksan siya ng pinto at una kong narinig ang sigawan ng mga nasa loob. Pero ang mas nakakagulat ay kung ano ang nasa loob.

"Underground battle arena?!" bulalas ko habang gulat na nakatingin sa isang malaking ring kung saan may nagsasapakan.

"Welcome to hell." Nakanganga akong napalingon dito sa kasama ko. So ito ang sinasabi niyang impyerno?!

"What the hell?!"

*Kinabukasan.......

"Hoy bessy, nasaan ka nanaman kahapon at hindi ka pumasok buong araw sa klase?" nakapamewang nahinarap ako ni Shane. Nakataas kilay ito at masama ang tingin sakin. Ok? What's with the face?

Silver Claws ( COMPLETED )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang