Claws 20

1.9K 33 2
                                    

Chapter 20

"Yen! Nanalo kami!" tuwang-tuwa na salubong sakin ni Nhada nang matapos ang kanilang laro.

"Nhada ang galing-galing mo! Kaya mas lalo akong naiinlove sayo eh."

Sabay kaming napalingon ni Nhada sa likuran ko nang marinig ang sinabi ni Shawn. Napansin ko ang biglang pagbago ng mukha ni Nhada at paismid na sinamaan ng tingin ang isa.

"Excuse me? Hindi kita kilala kaya pwede ba lumayo-layo ka?" naiiritang sabi ni Nhada sabay irap sa kumag na mas lalong lumaki ang ngisi sa mukha.

"BESSY!"

Agaran ang paglingon ko sa pinanggalingan ng boses. I saw Shane running towards my direction. Tulad nina Nhada ay nakasuot din siya ng jersey ng volleyball team.

"Nakita mo ba ang laro bess? Ang galing ko no?"

"Hindi ko nakita. Nasa bangko ka lang diba?" pang-iinis ko sa kanya. Sinapak naman niya ang balikat ko. Bahagya siyang lumapit sakin at masuyo akong niyakap.

"I missed you bess. Ikaw? Namiss mo ba ako?" bahagya niyang nilayo ang kanyang ulo para makita ang reaksyon ko. Nakanguso siya at nagpuppy eyes. Gamit ang daliri ay tinulak ko ang kanyang noo para ilayo sakin ang kanyang mukha.

"Bakit naman kita mamimiss ehh naging maganda nga ang buhay ko nung wala ka."

"Sus! Ang sabihin mo namiss mo lang ako ng sobra pero nahihiya ka lang aminin sakin! Kilala kita Bessy! Hindi mo ako matitiis!" napairap ako sa kanyang sinabi.

Ilang linggo na rin nung huli kaming nagsama ng Intsik na ito. She's too busy at hindi ko alam kung anong pinakakaabalahan niya at ni pagsama sakin umuwi ay hindi niya magawa.

She doesn't even know that I've been kidnapped. Ewan ko lang kung ano ang magiging reaksyon niya pag nalaman ang pagkidnap sakin nung mokong na Van na iyon.

Bahagya siyang humilig sakin at niyakap ako.

"But seriously speaking bess, namiss talaga kita." Paglalambing niya.

Ito pa ang ayaw ko sa kanya. Bigla-bigla siyang maglalambing lalo na kung may ginawa siyang hindi ko magugustuhan. Napaisip tuloy ako kung ano ang ginawa ng Intsik na ito para manlambing sakin.

"Why are you so busy these past few days at ni samahan ako kumain o umuwi ay hindi mo magawa? Tell me may tinatago ka ba sakin?"

Agad siyang napalayo sakin at mabilis na umiling.

"Wala no! Ano namang itatago ko sayo bessy? Eh hindi ko nga kayang magsinungaling sayo." Naningkit ang mga mata kong tumitig sa kanya. Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng Intsik na ito.

"Sige lang. Malalaman ko rin kung anong pinagkakaabalahan mong Intsik ka."

"Wala nga kulit nito." Nguso niyang sagot na ikinaismid ko.

"Guys let's enjoy the booths na hinanda ng supreme student officers. Mamaya pa naman ang next na laro. We still have our free time!" Excited na sabi ni Michael at may patalon-talon pang nalalaman.

'Tss... isip bata.'

Wala namang kumontra sa gusto niya kaya naglakad na kami papuntang field kung saan nakatayo ang mga booths.

"Gosh they are all handsome."

"The guy with blonde hair is so cute."

"I think I'm gonna die! They are the angels sent from above! "

"Mabuti nalang pumayag akong pumunta dito sa SSA. They are so gorgeous!"

Silver Claws ( COMPLETED )Where stories live. Discover now