Claws 4

2.5K 44 1
                                    

Chapter 4

Tahimik ang lahat at nakikinig sa pinagsasabi ng guro sa harap. It's been days since pumasok kami dito sa Shanna Salazar Academy and so far walang nangyaring kakaiba maliban sa pagkakakilala namin ni Nhada. Mabuti nalang at nasa ibang section sila dahil kung hindi ay matagal na siguro ako nung pinipeste na sumali sa club nilang weird.

"Class dismissed."

Nagulat nalang ako ng magsitayuan ang lahat. Our last subject for this morning has ended. It means na pwede na akong gumala. Sa previous school namin ay gawain ko na ang gumala pagkatapos ng klase pero mukhang mahihirapan ako ngayon. Nakita ko ang mapanuring titig ni Shane. I forgot about this cat.

"Saan ka pupunta?" taas kilay nitong tanong

"Sa cafeteria." Sabay padabog na lumabas ng classroom. Mukhang hindi ako makakagala nito. May usapan pa naman kami ng ilang kaibigan ko na gumala ngayon. Talo ko pa ang Presidente sa pagiging bantay sarado dahil sa intsik na ito.

"Kung may plano kang gumala tulad ng nakasanayan mo, pwes sinasabi ko palang sayo, I have my eyes on you." Inirapan ko siya at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Hanggang ngayon ay hindi parin ako komportable sa suot na uniform. Sinubukan kong magpatahi ulit pero wala ring kwenta, mas lalo pang umikli dahil sa pakialamerang intsik.

Pagdating namin sa cafeteria ay hindi ganoon karami ang tao kaya't nakahanap agad kami ng table.

"Ako na ang kukuha ng food." Pagpepresenta niya kaya hinayaan ko na. tinatamad din naman akong kumilos.

"Narinig mo ba pre na may bagong member daw ang Guardians."

"Woah! Really?! That's new!"

"Oo nga ehh. I badly want to see her. Sana naman hindi siya tulad nung tatlong Guardians na weird."

Napalingon ako sa kalapit naming table. Hindi ko maiwasang maintriga lalo na nang marinig ang salitang Guardian. Tatlo silang lalaki na abala sa pag-uusap.

"Someone saw her at ang sabi niya ay hindi naman ito ganoon kagandahan."

"Really? But the Guardian's requirement says that she should be gorgeous. Bumaba na pala ang standards nila?"

Kunot noo ko silang pinagmasdan. I know na hindi ako pumayag na sumali sa grupong yan pero alam kong ako ang pinag-uusapan nila. At anong sabi nila? Hindi ako ganoon kagandahan?! Ha! Malabo lang mata ko pero hindi nalalayo ang mukha sa mga fashion models no!

"Isa pa, mukhang mahina raw yun at mukhang lalampa-lampa."

Nagngitngit ang ngipin ko sa narinig. Mahina? Lalampa-lampa?! Tahimik kong nilapitan ang table nila at pasimpleng tinabig ang babaeng dumaan. Nagulat silang tatlo nang matapon ang hawak na juice nung babae. Sumakto ito sa lalaking nagsabi ng mahina at lalampa-lampa ako. Ang kaninang puti nitong polo, ngayon ay namantyahan ng orange juice. Serve you right!

"What the f*ck?! Bulag ka ba?!" singhal niya dun sa kawawang babae. Nanginig sa takot yung babae at mabilis na tumakbo palabas ng cafeteria matapos nitong humingi ng tawad. Ngiting tagumpay naman akong bumalik sa table namin. Sakto ring dumating na si Shane kaya hindi na ako naghintay pa ng matagal.

"Anong nginingisi-ngisi mo dyan?" taas kilay niyang tanong nang makita akong nakangisi. Nagkibit balikat lang ako at agad kinain ang apple pie niyang binili.

"Nga pala bess. Naalala mo yung mga men in black na nameet natin?" nahinto ako sa pagnguya at tumingin sa kanya ng nakataas ang kilay. How could I forget them? That was the moment someone planted a kiss--- uhhh never mind.

Silver Claws ( COMPLETED )Where stories live. Discover now