Claws 38

1.7K 20 0
                                    

Chapter 38

Yeniesh's POV

Ilang minuto na akong nakatayo dito sa labas ng mataas na gate ng mansion. Right now, I'm here at my lolo's mansion. Pinagmasdan ko ang paligid and I saw some of our men roaming around the area.

"Young lady?"

Isa sa mga tauhan ang lumapit sakin. Bakas sa mukha nito ang pagtataka.

"What are you doing here young lady?"

"Just checking. Uhhhm... nandito ba si Tanda?" tanong ko habang sinusundan niya ako papasok ng mansion.

"He's not around young lady. Simula nang hindi ka na umuwi dito ay hindi rin siya bumalik."

"Ganoon ba? Alam mo ba kung saan siya ngayon?" tanong ko ulit pero tipid na pag-iling lang kanyang sinagot.

He slightly bowed down his head before he took his way out of my sight. Just like the usual, ganoon parin ang mga taong nandito, they are all in their respected duties. At tulad rin ng nakasanayan, every time I passed through them they respectfully bowed down their heads.

Hindi na ako nag-aksaya nang oras at agad na pumunta sa office ni Tanda. It's been months at ni isang balita ay wala akong natatanggap sa kanila ng mga magulang ko. My last conversation with my mother is when I'm still at the hospital. I know that my mom told me to wait for them, to wait for their explanations pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na ako kikilos. I need to atleast have my own moves. I can't just stay still and wait for them.

I bravely open the door of Tanda's office. Tulad nang inaasahan ay puno ng mga lumang libro ang silid. An office table is placed near the tall window. Dahil sa makapal na kortinang nakatakip sa bintanang ang taas ay mula sahig hanggang kisame, tanging liwanag na nagmumula sa lamp shade lamang ang nagsisilbing ilaw sa loob. Agad kong binuksan ang ilaw at mas lalo kong nakita ang lawak nito.

Agad kong hinalughog ang mga files at kung ano pang maaaring magbigay sakin ng sagot. I'm expecting to find something important pero bukod sa mga business files and such ay wala akong makitang pwedeng magturo sa mga katanungan ko.

"Pagod na ako."

Hinayaan kong sumandal ang sarili sa swivel chair na nandito at pinagmasdan ang mga nagulong gamit. Kung kanina ay nasa maayos na lalagyan ang mga ito, ngayon ay nakakalat halos lahat sa lapag. Lagot ako kay Tanda pagnalaman niyang nagkalat ako dito sa office niya.

*Riiinnnggg!!!

-Snob's Calling-

Kunot noo kong sinagot ang tawag. Ano naman ba ang kailangan ng isang to.

"Ano?"

["Where are you?"]

"Bakit?" tamad kong tanong.

["Don't bakit me. Where are you?"]

Napairap ako. Sigurado akong salubong na naman ang kilay ng ugok na ito habang kausap ako.

"Shopping." I lied.

["Sa mall?"]

"Malamang! Alangan namang sa palengke ako magshopping diba? My Ghad Third!"

["Don't use that tone on me Ramirez! What mall are you right now?! Pupuntahan kita!"]

Tss.... Ayan na, maainit na agad ang ulo.

Silver Claws ( COMPLETED )जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें