Claws 17

1.9K 40 0
                                    

Chapter 17

The day after tomorrow na ang School's Sports Festival at nagkukumahog na ang lahat maliban sakin. Tulad nga nang sabi ko. Wala akong sasalihan. Papagurin ko lang ang sarili ko kapag sumali pa ako.

But there is a thing that makes me irritated.

Bilang Guardian, kailan kong tumulong sa preparations at tulad ng dati ay ang panatilihing maayos ang school. So ibig sabihin, kahit wala akong sasalihan ay magiging busy naman ako sa pagbabantay kung sakaling may mangyayaring kaguluhan. Bali magiging tanod ang peg namin at mukhang ako lang ang hindi nasasayahan.

"Yeniesh."

Napalingon ako sa likod nang may tumawag sakin doon. Nandito ako ngayon sa classroom at naghihintay ng teacher but unfortunately, walang klase so nganga ako ngayon. Nakita kong papalapit sakin si Lianne, ang class president namin habang may bitbit na piles of papers.

"Why?"

"Pwede bang pakidala itong mga papers sa teacher's office? Busy ang lahat at ikaw lang ang pwede kong hingan ng tulong. Please?"

I mentally rolled my eyes. Ito rin ang kinaiinisan ko mula pa kahapon. Nagiging utusan na rin ako. Sa section namin ay mukhang ako lang ang walang sasalihan at nagtake advantage naman ang mga magagaling kong kaklase na gamitin ang kawalang ginagawa ko. Utos dito utos doon, tanginang buhay toh.

Hindi na ako nagsalita pa at agad na hinablot sa kanya ang mga papel. Lumaki naman ang kanyang ngiti. Sarap sapakin tss.

"Thanks Yeniesh!"

Mabilis niya akong tinalikuran at agad na lumapit sa mga kaibigan niyang sa tingin ko ay papuntang gymnasium. Napabuntong hininga nalang ako at nagtungo nalang sa teacher's office. Ano pa nga ba ang magagawa ko?

Nagpalingalinga ako habang naglalakad sa hallway at nagbabakasakaling makikita si Shane pero mukhang busy ang Intsik at hindi ko manlang siya nakita. Nitong mga nagdaang araw ay halos hindi na kami nagkakasamang dalawa. Minsan na lang rin siyang sumabay sakin sa pag-uwi.

But anyway, mabuti na ring busy sya para walang mangungulit sakin.

May napapansin din akong kakaiba sa Intsik na yun. Minsan ko siyang naririnig na parang may kaaway sa cellphone niya. Hindi palaaway na tao si Shane kaya nagtataka ako kung sino ang kaaway niya sa kabilang linya. Pagtinanong ko naman siya kung sino ang kasigawan sa kabilang linya, ang sagot niya ay ang ex niya. I know that she's lying but I just let her. Bahala siya kung ayaw niyang magshare.

Nang makarating na ako sa harap ng pinto ng teacher's office ay agad akong kumatok doon. Hindi naman nagtagal ay may nagbukas ng pinto. Isa itong babae at base sa suot niya ay isa siyang estudyante kagaya ko. Nakakunot noo ito habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.

Kinunutan ko rin siya ng noo habang nihead to foot.

"Anong kailangan mo?" mataray niyang tanong. Pinakita ko sa kanya ang hawak kong mga papel at para ipakita kung ano ang pakay ko.

"Ano yan?" tanong niya ulit habang nakataas ang kilay.

Tanga! Papel to kung hindi mo alam! Yan sana ang isasagot ko sa kanya pero dahil ayoko ng away ay sinagot ko siya ng maayos.

"Pinabibigay ng class president namin." Mahinahon kong sagot kahit deep inside ay gustong-gusto ko nang itampal sa pagmumukha niya itong makakapal na papel.

Kinuha naman niya ito sakin at tiningnan kung ano ang laman ng mga papel. Nakita ko siyang napatango habang binabasa parin ang mga ito. Nang matapos niyang masigurado ang laman ng mga papel ay walang pasabing pinagsarhan niya ako ng pinto. Muntik pa akong mapaatras dahil sa lakas ng pagkakasara niya.

Silver Claws ( COMPLETED )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora