Claws 7

2.2K 39 0
                                    

Chapter 7

Nanggagalaiting tinungo ko ang pinakamalapit na cr. Pagkapasok ko ng pinto ay pabalibag ko itong sinarado at mabilis na nilock. Nang makita ko ang aking sarili sa salamin ay nagngitngit ang mga ngipin ko.

Basa ang buong katawan ko dahil sa ilang balde ng tubig na ipinaligo sakin ng mga lintik na fans ng Shawn Ching na iyon. Kakaligo ko lang kanina sa bahay at heto ako. Talo ko pa ang lumusong sa tubig.

Ito ba ang sinasabi ni Nhada na wild?! Putik na yan. Wild na ba ang mambuhos ng tubig? I was expecting something bloody pa naman. That's my definition of wild.

But this is already enough to ruin my mood.

"Lintik talagang mga babaeng yun. They ruined my mood! Grrrrrr!!!!!"

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng uniform ko at mabuti nalang at hindi ito ganoong nabasa dahil kung nagkataon ay ilulublob ko silang lahat sa imburnal! Dalawang ring lang ang narinig ko bago may sumagot sa kabilang linya.

["Hello bess!"]

"Bring me a new pair of uniform, school shoes and a clean towel."

["Huh? Bakit? Anong-----"]

"Just do what I said! I'll give you 5 minutes! I'm here at the CR near the cafeteria."

["Ok! Ok! I'll be there!"]

Agad kong binaba ang tawag at naghintay ng ilang minute bago may kumatok sa pinto. Mabilis ko itong binuksan at hinila papasok ng makitang si Shane ito. Nihead to foot niya ako at nagtatakang pinagmasdan ako.

"What happened to you bess? Naligo ka naman kanina ah?"

Hindi ko siya sinagot at kinuha sa kanya ang dalang puting paper bag. Matapos kong makapagbihis sa isa sa mga cubicle ng CR ay padabog kong nilagay sa lababo ng CR ang basa kong uniform.

"Now tell me what happened to you missy." nakacross arm na tanong niya sakin.

"May mga siraulo akong nakaharap."

"Make it more detailed bess."

"A bunch of diehard fans of one of the 7DG did this. Walang pasabing pinaliguan nila ako ng ilang balde ng tubig." Naiinis kong kwento. Nanlaki naman ang kanyang mata.

"What?! May ginawa ka nanaman bang kalokohan Yeniesh?!" tinaasan ko siya ng kilay bago napairap.

"I didn't do anything ok?"

"Oh eh bakit nila ginawa yun?"

"Maybe because I punched their Prince Shawn Ching." Kibit balikat kong sagot.

"WHAT?! At bakit mo naman yun ginawa?!" hindi ako sumagot. Sa halip ay nilampasan ko siya at lumabas ng CR.

"Hindi pa ako tapos magtanong sayo Lander!" sinamaan ko siya ng tingin.

"Don't call me Lander!"

"Bakit? Pangalan mo naman yun ah!"

"Ewan ko sayong Intsik ka."

Hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating kami sa harap ng classroom namin. Nagtaka kaming pareho nang makitang maraming tao ang naroroon. Maging ang mga taga kabilang section ay nagsisiksikan sa pinto. Nilapitan ko ang isang babae at kinalabit ito.

"Anong meron?" nanlaki ang mata nitong nakatitig sakin.

"N-Nerd Guardian?"

Ayan na naman yang Nerd Guardian nayan. Sino bang nagpauso niyan at ng masapak ko.?! Tamad ko nalang siyang tinanguan. May artista ba sa loob at kung magsiksikan sila ay parang may free hug ng kung sino? Imbis na sumagot yung babae ay umalis ito at pumunta kung saan.

Silver Claws ( COMPLETED )Where stories live. Discover now