Claws 19

1.9K 28 0
                                    

Chapter 19

'Welcome to Shanna Salazar Academy!'

'Yan ang nakalagay sa malaking tarpaulin na nasa gate ng Academy. Today is the first day of this year's School's Sports Festival. The Academy is open for the outsiders kaya't kaliwa't kanan ang nakikita kong mga tao na hindi nag-aaral dito.

Except to the sports and games that are involved in this event, may mga booths and stuffs rin na iingganyo sa lahat. Nahirapan nga akong pumasok gamit ang kotse ko dahil sa dami ng taong nandito ngayon.

"Yeniesh!"

Sumalubong sakin ang hingal na hingal na si Nhada. Nakasuot siya ng jersey ng school's volleyball team.

"Oh? Anong kailangan mo?"

"Wala naman. Nakita lang kita kaya kita tinawag. Where are you heading?"

"Sa Den."

"Sabay na ako sayo."

Tinanguan ko lang siya bago kami sabay na naglakad.

"You're not joining any game?" tanong niya ng makitang nakasibilyan lang ako.

"Nope."

"Sayang naman. But any way icheer mo ako ha? Gusto ko yung malakas." Nakangisi niyang turan.

"Hindi ako manonood." Pagsisinungaling ako. Agad naman siyang napanguso at yumakap sa braso ko.

"Ehhhhh!... sige na Yen! Cheer me ok? Paghindi mo ginawa yun hindi ko ipapanalo ang year natin. I will let those freshmen to have it nalang." Pananakot niya sakin. As if may paki ako.

"Sige lang. Wala akong pake. Mabuti nga yun nang matuwa yung mga bata." Ngisi kong sagot na ikinaismid niya lang. hindi na niya ako kinausap pero nanatili ang mga braso niyang nakalingkis sa braso ko. Nahihirapan tuloy akong maglakad.

Habang naglalakad kami ay may nakasalubong kaming grupo ng mga estudyanteng pamilyar sakin ang mga mukha. Tatlong lalaki at dalawang babae na panay tawa habang papalapit samin.

Automatic na napahinto ang mga paa ko at agad na nag-iwas ng tingin. Nagtaka naman si Nhada at nilingon ako.

"Bakit napahinto ka Yen?" nagtataka niyang tanong pero hindi ko siya pinansin. I need to avoid them. I can't let them see me.

"Yeniesh?"

Hindi ko na nagawang makalayo pa nang makalapit sila samin. I slowly turned to face them at ang unang sumalubong sakin ay ang dalawang pares ng matang nanlalaki habang nakatingin sakin.

"Oh my gosh! Ikaw nga!" tuwang-tuwa na sabi ng babaeng may maikling buhok. She's Lianne.

"Ikaw ba yan Yeniesh? God! We missed you!" hindi ako nakagalaw nang bigla akong yakapin ng kasama nilang isa pang babae. Mahaba ang itim nitong buhok na may taling color pink. She's Mara.

Nang mahimas-masan ako sa gulat ay dali-dali akong kumalas sa yakap ni Mara at humakbang paatras habang blangko silang tinititigan.

"I'm sorry to disappoint you. But I'm not Yeniesh. If you'll excuse us." Hinatak ko ang braso ni Nhada na ngayon'y marahil ay nagtataka kung sino ang mga ito.

"Yeniesh wait!" agad na humarang sa daraanan namin sina Mara at Lianne.

"Look, alam naming nagtatampo ka parin samin but---"

"Enjoy the event of our school." hindi ko na hinayaan pang harangan nila kami at mabilis ko nang hinatak papalayo si Nhada sa kanila. Nang makalayo na kami ay doon ko lang binitawan ang braso niyang namumula dahil sa higpit ng pagkakahawak ko.

Silver Claws ( COMPLETED )जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें