Claws 26

1.7K 32 2
                                    

Chapter 26

Ilang araw na ang nakalipas matapos ang naging ingkwentro namin doon sa mga lalaking pinagbabaril ang kotseng sinasakyan namin ni Red. Ilang araw na ring hindi ko nakikita kahit isa sa mga 7DG, maging si Third ay ilang araw ko na ring hindi nakikita. Hindi naman sa namimiss ko siya like duh? Pero naguguluhan lang ako kung bakit pati siya ay wala.

Well, tukmol nga rin pala ang isang iyon, hindi na ako magtataka kung magkakasama ang mga 'yon ngayon.

Hindi rin nila sinabi sakin kung sino ang mga tumangkang pumatay samin. Ni isa sa kanila ay walang nagexplain sakin sa nangyari. Tikom ang bibig nila maliban kay Ezekiel na puro kamanyakan ang naiisip.

"Ang lalim ng iniisip ng apo ko ah. Share naman dyan!"

I suddenly frown after hearing that annoying voice. Tamad akong lumingon sa kanan ko habang nakaupo ako sa isang swing sa likod ng mansion. Nakita ko na naman ang pagmumukha ni Tanda. Karga niya yung alaga niyang pusa na ang pangalan ay Hito. Hindi ko naman alam kung anong pumasok sa kukute ng matandang ito. Ipangalan ba naman sa pusa ang hito. Tss...

"Nasukat mo?"

"Oo eh. Abot hanggang bewang." Ngisi niyang sagot bago umupo sa swing na katabi ng sakin.

"Tanda may tanong ako."

"Himala kinakausap mo ako." Namamangha niyang usal habang nanlalaki ang mga mata.

'Tss.. OA talaga kahit kailan.'

"Mahilig ka ba sa action movie?"

"Huh? Ano kamo?"

"Bingi! Wag na nga lang! Nakakatamad kang kausap!"

Kahit kailan talaga hindi toh makausap ng maayos. Tatanongin mo ng matino sasagutin ka ng pabalang o kaya ay kung anong kabulastugan. Sarap niyang ipakalmot dyan sa Hito niyang pusa!

"Ito naman high blood agad. Tatanda ka agad niyan sige ka. Hindi ka gumaya sakin happy lang palagi." Pananakot niya. Inismiran ko naman siya at hindi na siya pinansin. Naiimbyerna ako sa pagmumukha ng matandang toh.

"Anyway, about naman sa tanong mo Lala. May ikukwento ako sayo." Sabi niya nang hindi makayanan ang katahimikan.

"Wag na. Tungkol lang yan sa kagwapuhan mong kulang sa pansin."

"Batang ito talaga! Kailan mo ba matatanggap na gwapo ang lolo mo ha?! Nakakasakit ka na ng damdamin!" umakto siyang nasasaktan at bahagyang niyakap ang kandong na pusa. Napansin ko naman ang pagpumiglas nito dahil sa ginawa niya. Kita mo na, pati pusa naaalibadbaran sa kanya.

"Ikaw nalang Hito ang kukwentuhan ko. Total walang kwenta naman yung iba dyaaaan! Ayaw umamin na gwapo ang lolo niya. Anyway, alam mo bang action star ako dati Hito?"

'Hayy... Nagsisimula na naman siya.'

Tinitigan ko nalang yung pusa na mukhang wala ring planong makinig sa kanya. Nakatalikod kasi ito at panay dila sa kanyang paws.

"I'm a loyal servant of a princess!" dagdag pa niya na parang proud na proud siya. Kita niyo na? servant of a princess, pinagsasabi ng matandang toh. Mas creative pa ang isip kesa sa isang bata eh.

"She's really beautiful and kind. Tinuturing niya akong parang pangalawang tatay niya kaya't natutuwa ako sa kanya. Well, she's a skilled princess to the point that she can protect herself." Hindi ko maiwasang makinig sa pinagsasabi niya kahit alam ko namang hindi totoo. Wala naman akong gagawin so, much better to kill time by listening to his stupid stories. Hayy..

Silver Claws ( COMPLETED )Where stories live. Discover now