Claws 23

1.9K 31 1
                                    

Chapter 23

Tamad kong pinapanood ang mga taong nandito sa field. Halos lahat ng nakikita ko ay mga kababaihang may kanya-kanyang bitbit na tarpaulin na may pangalan at mukha ng mga tukmol.

Kasama ko ngayon ang mga kapwa ko Guardian at si Shane. Mukhang kaming lima nga lang ang walang tarpaulin na hawak. Nakakahiya tuloy sa mga nandito... Tss.

"Why are we here anyway?" rinig kong tanong ni Cassandra na mukhang naaalibadbaran na habang nililibot ang tingin. Kahit ako naman siguro ay maaalibad-baran kung bawat lingon ko ay mukha ng mga tukmol ang nakikita ko. Tarpaulin dito, tarpaulin doon. Tangina, ang pangit ng view.

"We need to make sure that no one will make troubles here. Kahit ako ayoko rin dito, but we don't have any choice. It's our duty." kibit balikat na turan ni Shimie.

"Your duty is so cool. Sana sa club niyo nalang ako sumali." Natutuwang sabi ni Shane kaya't napalingon kami sa kanya.

"Saan ang cool dito? Ehh nakakatamad nga eh." Mahinang sabi ko pero mukhang narinig yata nila kaya't nakatanggap ako ng masasamang tingin sa kanila. Hindi naman ako kumibo at umastang hindi iyon napansin.

"Maybe it looks cool but once you become one of us, you'll wish that you didn't dreamed about it."

Nang marinig ang sinabing iyon ni Cassandra ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. There is something in her words. Simple at naintindihan ko naman ang mga iyon pero iba ang pakiramdam ko sa mga ito.

Walang sumubok na magsalita matapos ang sinabing iyon ni Cassandra. Nhada and Shimie acted like they never heard it. Tanging ako at si Shane lang nakaramdam ng kakaiba.

"She's creepy." Bulong sakin ni Shane na sinagot ko naman ng tango. Maybe she is.

Muling bumalik saking isipan ang napag-usapan namin kanina sa Den. Yung kutob niya about Third.

"Pero ito lang ang masasabi ko sayo Yen. Ni minsan hindi nagkamali ang kutob ko. Kadalasan nagkakatotoo."

It's pretty kind of weird hearing those words from her. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kaba hindi dahil sa pagiging weird ni Cassandra kundi dahil doon sa sinabi niya. Na ni minsan ay hindi nagkamali ang kanyang kutob at nagkakatotoo pa. F*ck! Iniisip ko palang na... na... na... basta! Yung kutob niya!

Iniisip ko palang yung kutob niya nababaliw na ako. Hell! It didn't crossed my mind that Third would like me. Like duh?! Yung adik na sabog na tukmol na uguk na iyon?! Magkakagusto sakin?! I don't want to think about it.

Matapos ang ilang minutong paghihintay ay nagsimula nang umingay ang mga tao dito sa field nang makitang nagsisidatingan na ang mga soccer players. Wala pa ang 7DG kaya't may naririnig akong mga umaangal at disappointed na hindi sila yung dumating.

"Ano ba yan. Ang tagal naman ng mga prinsipe natin. Nababagot na akong maghintay!"

"Wag mo ngang sabihin iyan girl! They are worth waiting for! Sila ang 7DG natin so deserve nilang ipaghintay!"

"Oo nga! Kahit bukas o sa makalawa pa sila dumating! Maghihintay ako dito para sa kanila!"

"Tama! Tama! They are our Princes and Princes deserves to be waited! I love you Prince Michael!"

"WE LOVE YOU 7DG!! KYaaaaahhh!"

Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa mga naririnig. Ang corny, putik! Ano bang meron yang mga tukmol na iyan para mabaliw tong mga babaeng ito? Ehh puro lang naman sila pasikat at pagwapo. Mga tukmol tss..

Silver Claws ( COMPLETED )Where stories live. Discover now