Claws 28

1.7K 31 0
                                    

Chapter 28

"No! No! Let her go!"

"No! No! My child!"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga at naging mabigat ang aking paghinga. Bigla nalang may sumisigaw sa kalagitnaan ng pagtulog ko. It's not outside our house but inside my head. Napahawak ako saking sintido ng makaramdam ng kirot mula doon. There is someone shouting in my dream. Maikli lang siya pero malakas ang naging dating sakin. Para akong mababangungut.

Epekto yata nung horror movie na pinanood namin kagabi ni Tanda. Dis oras kasi ng gabi bigla-bigla nalang siyang mang-aayang magmovie marathon, pumasok pa yata sa panaginip ko yung babaeng ghost.

My gaze went to the wall clock hanging near at the window. 3:00 palang ng madaling araw kaya't nagpasya akong matulog ulit pero nagpapalit-palit na ako ng posisyon sa kama, hindi parin ako makatulog. I also tried na ibaliktad ang unan ko, they said that kapag binaliktad mo ang unan mo once na hindi ka makatulog, epektibo raw itong gawin para makatulog ka ulit pero ilang beses ko na siyang binalikta pero dilat na dilat parin ang mga mata ko.

Hindi ko na pinilit ang sariling makatulog at kinuha nalang ang phone ko at nagbukas ng facebook. Pagbukas na pagbukas ko palang maraming lumabas na notifications na ang bumungad sakin. Karamihan ay mga shared post na tinag sakin ng mga friends ko sa fb. May 50 new friend request din ako na ikinagulat ko. Dati kasi mga lima or tatlo lang ang nagf-friend request sakin, himala yata at sumobra pa ng bente. Mayroon ring ten messages. Isang linggo rin akong hindi nakabukas ng fb kaya siguro ganito. Anyway, una kong tiningnan ay yung mga nagfriend request sakin. Karamihan sa kanila ay mga classmates ko. Nakita ko rin ang pangalan ng mga tukmol, kaso kulang. Xavier's name wasn't here. Inaccept ko lahat ng classmates ko at maging yung mga uguk. Nakita ko rin ang pangalan ni Airile kaya't inaccept ko na rin. Airile Chon Rios pala ang full name niya. Tiningnan ko ang profile picture niya at nakangiti siya doon, kitang-kita rin ang magaganda niyang asul na mata. Napunta naman ang atensyon ko sa lalaking nasa likuran niya. It's Third. Poker face lang siya, bagaman nakatingin din siya sa camera, hindi naman siya nakangiti. Para siyang napadaan lang sa likod ng pinsan niya at hindi inaasahang nacaptured ang mukha nya.

Wala sa sariling napangiti ako habang tinititigan ang kanyang mukha. Hindi man siya nakangiti, napakagwapo parin niya. Oo na inaamin ko na, gwapo talaga siya kaso.. Ah basta ewan!

Muli akong nagscroll down sa mga nagfriend request at biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita ang kanyang pangalan sa pinakahuling friend request.

'Denzel Third Rios'

Nakatutok ang mga mata ko sa pangalan niya. Paulit-ulit ko siyang binasa at baka namamalikmata lang ako pero pangalan niya talaga ito. Tiningnan ko ang account niya at mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ang profile picture niya. It wasn't his face. It was... mine.

Kuha ito sa loob ng classroom. Nakangiti ako dito habang nakaharap sa mga classmates ko. Base sa angle ng pagkakakuha ng picture, nakaupo siya sa kanyang pwesto habang patagong kinuhanan ako ng picture. Napakagat labi ako at wala sa sariling napangiti. It was a stolen shot pero maganda ang kuha ko dito, hindi siya blur or epic. It was like, he focused his camera on me.

Binasa ko ang caption niya at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nagrambolan na rin ang bulate sa tyan ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman.

'It doesn't matter if you won't look at ME, the lens of my camera only focuses on YOU and that's for sure FOREVER.'

Mabilis akong naglog out at pinatay ang phone ko. Wala sa sariling napahawak ako saking dibdib at ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog nito.

Silver Claws ( COMPLETED )Where stories live. Discover now