Claws 37

1.6K 23 0
                                    

Chapter 37

Yeniesh' POV

Malapit na ang Christmas kaya kahit saan ka magpunta, makakarinig ka ng Christmas songs. Marami ring mga Christmas decorations ang makikita lalo na sa loob ng Academy.

At dahil Christmas season, abala ang lahat sa gaganapin na Christmas ball next week. Excited ang lahat lalo na ang mga senior students cause it will be the last Christmas ball that they are going to attend to as high school students.

Everyone is also excited sa magiging date nila sa gabing iyon. At halos lahat ng mga babae ay inaasahang maging date ang kanilang mga prinsipe, which are the Silver Claws.

"May nag-aya na ba sa inyong maging date niyo?" tanong ni Shane habang magkakasama kami dito sa loob ng Den. Shane is not part of the club pero pinayagan siya ni Shimie na pumasok dito since friends na rin naman daw sila.

"Nope, and I don't have any plans to go." Sagot ni Cassy na abala sa harap ng computer niya.

"Ang KJ mo naman Cassy. Last year na natin to bilang high school students! Pumunta ka na!"

"Talagang pupunta yan lalo na kung si Nathan ang date niya." Sabat ni Nhada.

Napansin ko ang paghinto ni Cassandra at sinamaan ng tingin si Nhada.

"Don't you ever say that name. Kung siya rin lang ang magiging date ko mas lalong ayokong pumunta." Paismid niyang sabi at mas tinuon pa ang atensyon sa harap ng computer.

"Ikaw Shimie? Sinong magiging date mo?" tanong ko kay Shimie nang mapansing nakangisi siya habang hawak ang cellphone niya.

"Michael asked me to be his date and I said yes." Kibit balikat niyang sagot.

"Ohhhhh! Nililigawan ka ba niya ulit Shimie?!" Nhada ask.

"Nililigawan ulit? Niligawan na ba siya ni Michael noon?" curious kong tanong.

"Remember the story about Shimie being the target of Irish gang? Si Michael yung guy na tinutukoy niya." Nhada explained. Napatango-tango naman ako sa narinig. I know na itong mga kasama ko ay may something sa mga uguk na iyon. Kaya hindi na ako magtataka kung one of this days ay maging boyfriend nila yung mga tukmol.

"How about you Shane? May nag-aya na ba sayo?" tanong ni Nhada sa intsik kong kaibigan.

Shane flipped her hair and smiled sweetly.

"Actually, limang guys ang nag-aya sakin pero hindi ko alam kung sinong sasamahan ko. Mahirap pumili lalo na kung puro gwapo." Sabay hagikhik niya.

"Edi ikaw na maganda! Eh isa ba sa kanila si Ezekiel?"

Kung kanina abot hanggang tenga ang ngiti ni Shane, ngayon naman halos magsalubong na ang kilay nito.

"Unfortunately, hindi siya isa sa kanila. And I'm not expecting him to ask me to be his date anyway. Duh! Yung babaerong hayop na iyon?! Hindi yun mawawalan ng babae kaya bahala siya sa buhay niya kung sino ang gusto niyang isama sa Christmas ball! Tyaka ayoko namang masama dyan sa collections niya ng mga babae! May lima nang gwapong mga lalaki ang naghihintay sa sagot ko kaya pipili nalang ako sa kanila. Tutal mas mukhang presentable at gentlemen naman ang mga iyon kumpara sa hayop na iyon!"

"Chill girl! Tinanong ko lang kung inaya ka ba niya o hindi, ang dami mo na agad sinabi. Masyado kang obvious!" Naiiling na sabi ni Nhada.

Silver Claws ( COMPLETED )Where stories live. Discover now