Claws 21

1.8K 38 3
                                    

Chapter 21

Busangot na busangot ang mukha ko habang pinagmamasdan ang mga taong excited sa sunod na laro ngayong araw which is basketball.

Wala akong planong manood pero wala akong nagawa nang kaladkarin ako nitong kasama ko na excited rin dahil maglalaro ang adik niyang pinsan.

Hanggang ngayon talaga hindi ako makamove-on sa katotohanang si Third ay pinsan ni Airile. Like hello? Si Third yun tapos si Airile naman ito. I know na kakakilala ko lang kay Rile, but I can already tell na iba ang ugali niya sa tukmol na iyon.

"This is the first time I'll see my cousin playing basketball. You know kelan lang kami nagkita and I'm trying my best to be close to him. He's, what do they call it... suplado?"

Natatawa talaga ako sa tono ng pananalita niya kapag nagsasalita siya in tagalog. Para siyang trying hard na bulol. And seriously speaking he's accent sounds hot.

Hindi pa naman nag-uumpisa ang laro dahil ilang minuto pa ang hihintayin kaya hindi pa ganoon kaingay dito sa loob ng gym. Nakakapag-usap pa kami ng maayos.

"Pano mo naman nasabi na uhhm... suplado si Third?"

Nakita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo na parang may inaalala.

"Tita told me about it. He keeps on ignoring me but I keep on bothering him that's why he always nags at me. But I enjoy it anyway, you know making him look at me with those scary eyes? Man that was quit fun." Natatawa niyang kwento. Iba rin trip ng isang ito eh.

"Bakit hindi kayo magkasundo ni Third? Alam ko namang may pagka-abnoy yun pero minsan abnoy parin. Hehehe."

"What's abnoy?" kunot noo niyang tanong sakin na para bang ngayon lang niya iyon narinig.

"You know. Crazy." Sabay hagikhik ko na ikinatawa rin niya.

"Ohh.. I got a new word. I'll try calling him abnoy to make him even more annoyed at me." Sabi niya na parang ang ganda-ganda ng naisip niya. Tingnan lang natin kung hindi ka makatanggap ng batok sa uguk na iyon pagtinawag mo siyang abnoy.

"Where did you came from anyway at parang medyo panget ang tagalong accent mo?" hot accent Yen... Hot.... Napahagikhik nalang ako sa aking isipan. Ang harot rin pala ng isip ko.

"I came from New York. My parents lived there before I was born so I grew up there. We just came here last month and currently living with my cousin's house. But last week my parents came back to New York. I choose to stay here since I like to annoy him. That's just my reason of staying here. Just don't tell him about it. Lagot ako sa keneya."

Bigla akong napahagalpak sa tawa nang marinig ang huli niyang sinabi.

"Hahahaha.. its KANYA not KENEYA. Hahahahaha"

Napakamot naman siya sa kanyang ulo dahil sa naramdamang hiya.

"Sorry I'm still learning your language."

"Hahahahaha.. muntanga.."

"Ehem.."

Natigil ako sa kakatawa at nilingon ang pinanggalingan ng boses. Nakita ko sina Shane, Nhada, Shimie, Cassandra at yung mga kumag na kapwa may nakataas na kilay. Palipat-lipat ang tingin nila saming dalawa ni Airile na ngayon ay nagtatakang nakatitig sa kanila.

"Akala namin kung saan-saan ka nagsususuot, yun pala may kasama ka ng pogi." Ginalaw-galaw ni Nhada ang kanyang mga kilay.

"Bakit mo kami iniwan kanina? At sino itong kasama mo?" taas kilay na sinuyod ng tingin ni Shane itong katabi ko na parang kinikilatis, napansin ko naman ang pagkailang ni Rile sa ginawa ng Intsik.

Silver Claws ( COMPLETED )Where stories live. Discover now