Claws 25

1.8K 25 0
                                    

Chapter 25

Dahil tapos na ang event, balik pag-aaral na ulit kami. Wala namang pinagkaiba ang araw na ito bukod sa todo iwas ang pinag-gagawa ko dito sa seatmate ko. Magmula nang tumapak ang isa kong paa sa bukana ng pinto ay nasa akin na nakatingin ang mga mata niya.

Hindi mawala-wala sa isip ko ang huli naming pag-uusap kaya't ganoon parin ang pagkailang at kabang nararamdaman ko. Isang bagay lang ang kaya kong gawin sa ngayon, at yun ay ang iwasan siya.

Pero dahil nga hindi pumapanig sakin ang tadhana, bukod sa classmate at seatmate ko siya, partner ko rin siya sa seatwork namin sa math.

"Now, face your partner and do the activity 2 on pg. 69." Utos samin ng math teacher namin. Agad namang nagsikilos ang mga kaklase ko bukod samin ng katabi kong kanina pa titig na titig sakin.

Nagpasya akong kumuha ng malinis na papel at sinubukang sagutan ng mag-isa ang activity. Hindi ako ganoon katalino pagdating sa math kaya halos ngat-ngatin ko na ang hawak na ballpen pero dalawang item out of ten palang ang nasagutan ko.

Lintik talagang math toh. Sino ba kasi ang nagpauso nito. Imbes na dumagdag sa talino ng tao mas nagiging bobo tuloy ang nangyayari samin. Pag ako talaga naging presidente ng Pilipinas hindi ko lang ipagbabawal ang math subject, lalagyan ko pa sya ng batas at kung sinong lalabag kamatayan ang haharapin. Charot lang. Hindi naman ako mamamatay tao.

"It's a pair activity. You should do it with me." Rinig kong sabi ng katabi ko. Saglit ko siyang nilingon at inirapan.

'Wag mo kong kausapin uguk ka!'

Hindi na ako muling lumingon sa kanya at tinuon ang buong atensyon sa papel na parang ito na ang pinakainteresanteng bagay sa mundo.

Nakasalalay dito ang grade mo Yeniesh! 'Yan ang pagtuunan mo ng pansin hindi yang tukmol mong katabi!

"You're seriously ignoring me huh?" rinig ko pang sabi niya pero dedma ulit ako. Nasagutan ko na ang pangatlong item kaya't mas ginanahan akong sumagot. Masagutan ko lang to lahat, kahit hindi tama basta nakaya kong sagutan, magpapapyesta talaga ako.

"Yes Mr. Rios?"

Nawala ang focus ko sa papel at napaangat ng tingin kay ma'am nang bigla itong magsalita. Nakatingin ito sa katabi ko kaya't napalingon ako sa kanya. Nakataas ang kamay nito at nakatitig kay ma'am.

"Ayaw pong makipair sakin ni Ms. Ramirez. Mag-isa niyang sinasagutan ang mga items."

Nanlaki ang mga matang nakatingin ako sa kanya at hindi makapaniwala sa ginawa ng uguk na ito. What the f*ck?!

"Ms. Ramirez?"

"M-Ma'am." nauutal akong humarap kay ma'am na ngayon ay nakataas na ang kilay sakin. Napansin ko naman ang mga mata ng mga kaklase namin na nakatuon na sa direksyon ko.

"This activity should be done by pairs. You need to cooperate, Ms. Ramirez." Sabi niya sakin ng nakataas parin ang kilay. Napakagat labi naman ako at palihim na nilingon ang katabi ko na ngayon ay pinagtataasan rin ako ng kilay. Tangina toh ah, sarap ahitan ng kilay... Bwisit!

"May problema ba sa partner mo? As far as I can remember wala naman kayong problema ni Mr. Rios para hindi ka makipagpair sa kanya."

Malaki ang problema ko sa kanya ma'am! Binibwisit niya ang buhay ko! Kung ano-anong lumalabas dyan sa bibig niyang ang sarap halikan--- este sinlaban! Nagkabuhol-buhol tuloy ang mga ugat sa sistema ko dahil sa kanya!

"W-wala po." Nakayuko kong sagot. Nakita ko naman siyang nagbuntong hininga bago hinarap ang katabi ko.

"Ikaw naman Mr. Rios, napapansin ko yang kakatitig mo sa kanya, kaya siguro ayaw makipagpair sayo ni Ms. Ramirez dahil nakakailang yang kakatitig mo sa kanya."

Silver Claws ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon