Claws 41

1.6K 20 0
                                    

Chapter 41

Yeniesh’s POV

Nakangisi niyang pinagmasdan ang lahat bago ako muling hinarap. Wala akong ibang ginawa kundi ang manatili sa pagkakasalampak dahil isang maling galaw ko lamang ay maaaring kalabitin niya ang baril na nakatutuok sakin.

“Ten years ago, Friday the thirteen when the Salazars’ Princess were last seen. Wondering why?”

Nanya’s gaze went to Xavier at lumawak ang ngisi nito nang makita ang galit sa mata ni Xavier. Salazars’ Princess? Si Shanna ba?

“That’s Xavier’s sister.” Bulong ko sa sarili pero hindi ko inasahang narinig pala ito ni Nanya.

“You know her? How amazing!”

I can see amusement in her eyes as she looked directly in me. Lumapit siya sakin at yumuko para magpantay ang aming mukha. Marahan niyang inangat ang aking mukha gamit ang hawak na baril.

“How much do you know about her? Hmmm… Let me guess. You know nothing right? Nothing.” Madiin ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Muli siyang lumayo sakin at hinarap ang mga nasa ibaba ng intablado.

“I have news for everyone! That girl died ten years ago and that’s what we all believed. But we thought wrong. That shitty Princess is still alive!”

Masaya niyang sabi pero ni isa ay walang sumagot o nagreact manlang. Bahagya akong natigilan at napatitig sa Silver Claws lalo na kay Xavier. I remembered how he reacted every time his sister was involved in our conversations. Maging ang iba ay agarang umiiwas na wag masali ang pangalan ni Shanna sa usapan. Wala man silang sinasabi sakin, alam kong malaki ang naging parte niya sa buhay nila. Now that they knew that Shanna’s alive they should feel happy pero kabaliktaran nito ang nakikita ko sa kanila. I can’t see any hint of happiness.

“Totoo ba ang sinasabi mo?” matapang kong tanong sa kanya dahilan kung bakit bigla siyang napalingon sakin.

“Why? You don’t believe me?”

Hindi ako nakasagot. Wala ako sa posisyon para makialam dahil una sa lahat I’m just an outsider. Lahat sila alam ang kwento pero ako hindi.

“You want me to prove it?”

Bago pa man ako makasagot ay marahas niya akong hinila gamit ulit ang aking buhok. Napasigaw ako sa sakit nang sampalin niya ako gamit ang hawak na baril. Ramdam ko ang kirot saking pisngi at hindi ako magtataka kung magkaroon man ako ng pasa o sugat doon.

“Fuck! Nanya I will kill you! I will fucking kill you! Get your hands away from her!”

“Look at them. Why do you think they all worries about you?” bulong niya sakin nang iharap niya ako sa kanila.

Ginawa ko ang lahat para maging malinaw ang paningin ko. Kanina pa nanlalabo ang aking paningin dahil hindi ko alam kung kailan nawala ang suot kong eyeglass, at kapag tumagal pa na hindi ko ito suot hindi ko alam kung makakatagal pa ako bago mawalan ng malay. I tried to look at them and they wear the same expression. They all look worried.

“B-Because were f-friends.” Mahina kong sabi. Natawa siya ng mahina.

“Yun ba talaga ang dahilan? Friends? You think of them as friends pero ganoon din ba ang nararamdaman nila para sayo? Hindi mo ba alam na ginagamit ka lang nila?”

“A-Anong ibig m-mong sabihin? G-ginagamit?”

“Oo. Ginagamit, sa tingin mo ba ay magiging malapit sila sayo nang ganun lamang? Hindi mo nga talaga sila kilala. They are just using you------”

Silver Claws ( COMPLETED )Where stories live. Discover now