Claws 18

1.9K 33 1
                                    

Chapter 18

Kanina pa nangangawit ang kamay ko sa pagkakatali sa upuan. Magdadalawang oras na akong nagising at umiinit na rin ang pwetan ko sa pagkakaupo pero wala paring dumarating na tutulong sakin tulad ng sabi ng tukmol na Van na ito.

Muli kong tiningnan ang kanyang direksyon. Nakaupo siya sa isang maliit na kahon at abala sa hawak niyang phone at base sa mukha at lumalabas sa bibig niya ay naglalaro ito ng kung anong online games.

Kumpara sa mga kidnappers na alam ko, siya lang ang medyo relax at pachill chill lang. Wala rin akong nakikitang baril or something na maari niyang gamitin kung sakaling may maling mangyari.

Wala rin akong napapansin na kasama niya o mga underlings manlang.

"Wala ka bang kasama sa pagkidnapped sakin?"

"Fuck!" nagulat ako nang bigla siyang nagmura habang nanggagalaiting tinitigan ang phone na hawak. Mukhang nagame over na ang loko. Busangot ang mukhang napalingon siya sakin.

"May sinabi ka ba?" kunot noo niyang tanong bago pinasok sa bulsa ng pantalon ang kanyang phone.

"I'm asking you if wala ka bang kasama sa pagkidnapped sakin? We've been here for hours pero ang mukha mo lang ang nakikita ko."

"I'm not the one who made you sleep. It's one of my dogs." kibit balikat niyang paliwanag.

Bilang bumalik sa alaala ko ang mga sinabi ni Shimie. Ito na ba ang sinasabi niya? Ang pagiging target ko?

"Can I ask you something?" sinalubong ko ang kanyang tingin. Umakto siyang nag-iisip bago ako hinarap.

"Go on little princess." Hindi ko na pinansin ang tinawag niya sakin at agad na tinanong sa kanya ang mga katanungang matagal nang naglalaro saking isipan.

"Why did you kidnapped me?"

"I told you may kailangan ako sa boyfrie---"

"What do you want from me? Someone told me about me being your new target. What does it mean? Why me? I don't even know you."

Nag-alangan siyang tumitig sakin. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ako nag-iwas ng tingin. I need to know. I need to.

Bahagya siyang umiling habang nakayuko at nakangisi.

"I also don't know why little princess." Nagtagpo ulit ang aming tingin at sa pagkakataong ito ay nawala na ang mapaglaro niyang ngisi sa mukha. Napalitan ito ng seryoso at nagtatanong na expresyon.

"All I know is that you have something that can hold both gangs in the neck."

Muli ay nabalot kami ng katahimikan. Walang ibang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang mga tanong na iyon. Hindi ko na alam kung sino ang tatanungin ko. Shimie won't tell me more about it at alam kong hindi rin magsasalita ang Silver Claws. Why can't they just tell me? I have the right to know anyway! Sarili ko na ang nadadawit sa kanila. Wala ako sa lagay na ito kung sasabihin nila sakin ang mga nangyayari.

Naagaw ang pansin namin ng ingay na nanggagaling sa labas.

"Your first prince is already here. Let's see who is the lucky guy." Nakangising humarap sa pinto si Van at hinintay ang mangyayari.

Maya-maya ay nahinto ang gulong nangyayari kaya't walang ibang maririnig sa buong paligid kundi ang papalapit na yabag ng dumating.

Habang papalit ang mga yabag ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Nanatili ang atensyon ko sa nakasaradong pinto at inaabangan kung sino man ang papasok.

Silver Claws ( COMPLETED )Where stories live. Discover now