Claws 33

1.7K 30 0
                                    

Chapter 33

Iminulat ko ang aking mga mata at ang unang nakita ko ay ang isang hallway. Kulay puti ang lahat, sahig, kisame, walls at mga vases na nakalagay sa bawat haligi ng mahabang hallway.

Napansin ko ang sarili na nakasuot ng white dress at nakayapak lamang. Wala rin akong nararamdamang kahit ano bukod sa lamig ng buong paligid. I can't even feel my heartbeat.

'Am I... dead?'

Kusang gumalaw ang mga paa ko at tinahak ang hallway na tila walang katapusan. Napansin kong kanina pa ako naglalakad pero wala parin akong napapansin na may kasama ako dito.

"Hello? May tao ba dito?"

Nag-eco sa buong paligid ang boses ko. Agad na huminto ang mga paa ko sa paghakbang nang makita ang isang pigura ng tao. Nakatalikod ito sakin, babae at tulad ko ay nakasuot rin siya ng puting kasuotan.

"Hey!" tawag ko dito.

Napansin ko ang paghinto nito kaya't agad akong tumakbo para lapitan ito.

"Pwede ko bang malaman kung nasaan ako? Anong lugar ba ito? Dito ka ba nakatira?" sunod-sunod kong tanong pero ni isa ay wala siyang sinagot. Nanatili itong nakatalikod sakin.

Napansin ko ang suot niyang damit ay tulad ng sakin. Mahaba rin ang buhok nito at nakayapak tulad ko. Pero hindi tulad ko, may hawak siyang isang bagay na kumikinang.

"Excuse me tatanungin ko lang kung----"

Nahinto ako sa akmang pagsasalita at natuon ang pansin sa bagay na pumatak galing sa bagay na kanyang hawak. Kulay pula ito at mas lalo pang dumami ang patak sa puting sahig. Ganoon nalang ang takot kong naramdaman nang marealize kung ano ito... Blood.

"Y-You're bleeding!"

May takot mang nararamdaman ay hindi ako nagdalawang isip na lapitan siya at iharap sakin pero ang hindi ko inaasahan ay ang mukha ng taong ito. Ganoon nalang ang takot na bumalot sakin. Napahakbang ako papalayo sa kanya habang nakatuon ang buo kong atensyon sa kanya.

Nababalot ng kulay pulang likido ang kanyang mukha na unti-unting dumadaloy papunta sa kanyang puting damit. Pero hindi iyon ang nagpasindak sakin...

"W-What?"

Hindi ko alam ang sasabihin sa mga sandaling ito. Hindi ko alam ang gagawin. I'm facing myself. Kamukhang-kamukha ko ang babaeng kaharap ko ngayon. Kuhang-kuha niya ang anyo ko na tila nanalamin lamang ako. Maliban sa dugong bumabalot sa kanya ay hindi maipagkakailang kamukha ko siya.

"S-Sino k-ka?"

"Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan Yeniesh. Sino ka ba talaga?"

Muli akong napahakbang paatras ng marinig ang kanyang boses. Katulad na katulad ito ng boses ko. Unti-unting kumurba ang kanyang labi sa isang ngisi habang nakikipagtitigan sakin. Muling napunta ang pansin ko sa kumikinang na bagay na kanyang hawak at muling nabalot ng takot ang sistema ko ng mapagtanto kung ano ito. Isang baril, na tulad ng kanyang mukha ay nababalutan ng kulay pulang likido... Dugo.

"This is just a dream." Sabi ko saking sarili na hindi inaalis ang tingin sa baril na kanyang hawak.

"Tama ka. Panaginip nga ito." Ngising sagot niya.

"S-Sino ka ba?! Sino ka at bakit kita kamukha?!" bakas saking boses ang takot na siyang mas nagpangisi pa sa kanya. Her smirk gives chill to my system.

Silver Claws ( COMPLETED )Where stories live. Discover now