Claws 6

2.4K 52 1
                                    

Chapter 6

Nakasanayan ko na yata ang pagtambay dito sa Den dahil every break time ay dito agad ang diretso ko. The other Guardians are not around kaya mag-isa ako ngayon. Si Shane naman ay wala, hindi ko alam kung saan nagsusuot ang intsik nayun. Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid ng Guardian's Den. I've been part of the club for a week now pero hindi ko pa ito nalilibot. I decided to stand up at unang nilapitan ang desk ni Shimie.

As the club's President, sya lang ang may table para sa mga documents at kung ano-ano pang gamit na meron siya. There are piled of papers sa mesa. May laptap at notebooks din na nakalagay. I turned my attention to my right where Cassandra is frequently seating. It's a table where computers are. Napansin ko ang pagiging computer freak ng isang iyon. Every time kasi na papasok kami dito ay sa harap agad ng computer ang punta niya. Napansin ko rin na ayaw niyang may gumagalaw ng computers at laptap niya kaya minsan lang kami magawi dito sa spot niya. Buti hindi lumalabo ang mata nun.

Napunta ang atensyon ko sa dingding ng Den kung saan nakadisplay ang mga weapons ng club. There are bow and arrow, arnis, and daggers. Safe naman ang nga ito dahil nasa loob sila ng box made of glass. I scanned every edge of the room pero wala akong makitang isang bagay. Napanguso ako ng walang makitang ni isang baril. Yun pa naman ang paborito kong weapon. To tell you the truth, my dad taught me how to use a gun. I always come with him every time na pupunta siya ng shooting range.

Hindi lang baril ang itiruro niya sakin. Tinuruan din niya ako ng martial arts. Talo ko pa ang army training sa military school dahil kay dad. Kung training, training. Yan ang sabi sakin ni dad noon. Tulog pa ang manok ng kapit bahay namin pero nasa kalsada na kaming dalawa at nagjojogging. Minsan pa nga niya akong pinalusong sa putikan at nagsusuot sa gulong. I always end up crying every time he scolds me when I can't do the things he wanted me to do. Ikaw ba naman turuan manapak at manipa sa edad na walo? Idagdag pa na babae ako, I should enjoy my childhood playing with my dolls pero ginawa akong lalaki ng dad ko.

Hindi ko naman pinagsisihan ang pagtuturo sakin ni dad ng mga ganoon dahil naaapply ko siya nung unti-unti na akong lumalaki. Lagi akong napapapunta sa Principal's office dahil sa lagi akong nananapak ng kaklase. I was known as a badass in my previews school na kinaiinis ni dad. Kesyo, nananapak daw ako, parang hindi ako babae, seriously? Ngayon niya pa yun naiisip kung saan na mastered ko na ang itiruro niya sakin? Minsan naisip ko nga kung may pagkatanga si dad o ano eh.

Napalingon ako sa kaliwa ko kung saan makikita ang veranda. This room is located in the third floor of organization building. Pumunta ako doon at tinanaw ang malawak na ground floor ng Academy. Anyway, this school is divided into four building. Organization building, wherein all of the organization of this school is located. Clubs, Supreme Student Government office and more. Another building is the Academic building wherein classrooms and all about academics were located. The other one is the Activity building kung saan naman nagaganap ang mga activities ng school. School's intramurals, programs and more. And last is the Silver Claws' Building or SC Building. Sa pagkakaalam ko, this building belongs to the 7DG nilang tinatawag. That building is specially made for them.

Naalala ko ang sinabi nina Shimie about that 7DG. Ganoon ba sila kaspecial para pagawan ng sariling building? And then I remembered that one of those gangster were the school owner's son. I don't see any special about them though I don't really know those dude. All I know is that they are teenagers who have rich parents to support their stupidity. Hindi ko pa nakikita ang laman ng USB na bigay ni Shimie kaya hindi ko pa alam kung ano ang pinagsasabi nila about 7DG being high and beyond. Napairap nalang ako sa naisip.

Total ay wala naman akong magagawa dito ay mas mabuti pa sigurong maglibot-libot ako. Malapit na ako sa pinto ng bigla akong makarinig ng marahas na katok mula sa labas. Mabilis ko itong binuksan at nakita ko ang tatlong lalaking hingal na hingal na siguro ay mula sa pagtakbo.

Silver Claws ( COMPLETED )Where stories live. Discover now