Claws 39

1.7K 28 0
                                    

Chapter 39

Yeniesh's POV

Time goes by at mamayang gabi na ang Christmas ball namin. Everything is settled for tonight's event. Maaga akong nagising ngayon dahil ngayong umaga raw darating ang pinagawang damit ni tita Thiarsy para sakin.

Pagbaba ko sa kusina ay abala siya sa paghahanda ng agahan.

"Good morning tita."

"Good morning Yen-Yen! Tyaka diba sabi ko sayo tawagin mo akong Eomma?! Tita ka ng tita eh!" nakanguso niyang salubong sakin habang nakaturo ang hawak na sandok.

"Ayoko nga! Alam ko na po ang ibig sabihin niyan tita. It's a Korean term for mother right?"

Nung isang araw ko lang nalaman ang ibig sabihin niyan. Airile told me the meaning of it nung marinig niya akong tinawag iyon kay tita.

"What?! Who told you that?!" nanlalaki ang matang tanong niya.

"Si Rile." I said as I sip my coffee.

"Badtrip naman! Lagot sakin yang batang iyan mamaya."

Naiiling ko nalang siyang pinanood na bumalik sa ginagawa niya. Napalingon ako sa pinto nang may pumasok dito.

"Good morning mylabs!" masiglang bati sakin ni Rile.

"Morning!" nakangiti ko ring bati.

Napunta naman ang atensyon ko kay Third na kasunod lang rin ni Rile. Nagtagpo ang aming tingin pero hindi manlang niya ako binati. Aba'y wala ba talaga siyang planong pansinin ako?! Mag-iisang linggo na ito ah!!

Sinamaan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa kanyang pwesto sa harapan ko. Tahimik niyang sinimsim ang kape niya ng hindi manlang ako tinatapunan ng tingin.

"Breakfast ready!"

Agad na hinanda ni tita ang lahat ng pagkain sa mesa at agad naman kaming nagsimulang kumain.

"Ready na ba kayo mamaya for your Christmas ball?" masayang tanong samin ni Tita.

"Yup! It's just a shame that mylabs is not my date for tonight but I can dance her anyway, right mylabs?!"

"Yeah." Tamad kong sagot kay Rile. Ang alam kong kadate mamaya niya ay isa sa mga classmates namin. Napilitan daw siyang ayain ito dahil wala siyang ibang pagpipilian maliban sakin.

"Dy, sino nga pala ang date mo mamaya? Sayo lang ang hindi ko alam. Rile's date is one of your classmate while Yen-Yen's date is Red."

Napunta ang tingin ko kay tita nang bigla niyang tanungin si Third. Napahinto naman si Third at nag-angat ng tingin kay tita. Sandali siyang lumingon sakin bago sumagot.

"Chloe."

"Chloe who?"

"Schoolmate."

Chloe? Schoolmate? Wala naman akong kilalang Chloe na kilala namin ah? Mataman kong tinitigan si Third. Malaman ko lang talaga na isa sa mga babae niya yang Chloe na iyan ipapahiya ko sila mamaya! Siguraduhin lang niyang ilalayo niya sakin ang Chloe na iyan dahil kung hindi. Grrrrrr!

"Yen-Yen, ok ka lang? hindi ba masarap ang luto ko?"

"P-Po?" nagtataka kong baling kay tita.

Silver Claws ( COMPLETED )Where stories live. Discover now