Claws 16

2K 28 1
                                    

Chapter 16

Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang naging bakasyon namin sa beach resort. Wala rin namang saysay ang naging bakasyon 'kuno' namin dahil hindi ko manlang ito naenjoy. Nagsayang lang ako ng oras doon.

Naalala ko ang nagyari two days ago. Matapos akong maihatid ni Third sa room namin ay nakatanggap na naman ako ng matinding pangungulit mula kay Nhada. Nanatili namang tahimik sina Shimie at Cassandra pero alam kong kating-kati rin silang malaman ang nangyari sakin. But I remain silent about it.

At tungkol naman doon, I never told anyone about it. Hindi naman ako segurado kung si Vino nga ba yun kaya't sinarili ko nalang muna iyon.

Back to school na naman at balik pagiging Guardian ulit. And when I say Guardian, it means sakit ng ulo.

Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang duty ko bilang isang Guardian ngayon. May nambulabog na naman kasi sakin doon sa Den para dalhin dito at dalawang lalaki ang naabutan kong nagsusuntukan sa gitna ng hallway sa Organization Buliding.

Malas lang talaga at ako na namana ang naiwan sa GD (Guardian's Den) kaya ako ngayon ang nabubulabog. Kung nasaan na naman kasi nagsusuot yung tatlo, mga walang silbi.. Tss.

"Tangena mong hayop ka!" mura nung isang lalaki sabay sapak sa kaaway niyang agad namang nakabawi at sinapak rin ito.

"Mas tangena ka!"sagot nung isa sabay sipa dun sa naunang nagmura dahilan para matumba ito.

I comfortably lean my back at the nearest wall at tamad na pinanood ang away nila. May iilan ring nakikiusyoso at may kanya-kanyang bet kung sino ang mananalo sa dalawa.

"1000 for Drake!"

"1500 akin! Matatalo yan ni Peter!"

"Sige! Banatan mo pa!"

"Tadyakan mo! Sapakin mo!"

"Kaya mo yan Peter!"

Mukhang naging sabungan pa yata ang lagay. Binalik ko ang tingin sa dalawa na mas ginanahan pa yatang banatan ang isat' isa dahil sa mga audience nila.

Umayos na ako ng tayo at naglakad papalapit sa kanila para pigilan na ang sabungan-este sapakan kaso may nauna na sakin, dahilan para matigil ang gulo maging ang sigawan ng mga narito.

"WHAT IS GOING ON HERE?!!!"

Nahinto ang lahat matapos dumagundong sa buong hallway ang boses ng dumating. It's non-other than, Xavier Salazar, ang may pinakamainit na ulo sa lahat.

"I repeat. What is going on here?" firm nitong tanong. Napansin ko ang pag-atras ng iilan dahil sa nakakatakot nitong boses.

Aaminin kong nakakatakot nga sya. Mula sa kunot noo nito, sa mukha nitong seryoso at sa mga mata niyang akala mo ay walang buhay. Hindi naman nalalayo ang expression niya kay Third pero kakaiba ang aura nitong si Xavier. His aura brings creeps and authority na mapapasunod ka talaga.

Pero dahil nga ako si Yeniesh Lander Ramirez, petiks lang sakin ang mga ganyan. Tulad nga ng sabi ko noon, hindi pa ipinapanganak ang taong katatakutan ko.

"And you!" muntik na akong mapatalon sa gulat ng makitang nasa harapan ko si Xavier na masama ang tingin sakin.

"You saw this mess yet you didn't do anything? How useless Guardian." He mockingly spoke in front of me. Eksaherada akong suminghap.

"Excuse me lang noh? I was about to stop them pero nakiepal ka. Naunahan mo lang ako ng isang segundo but it doesn't mean I'm already a useless Guardian." Turan ko sabay turo sa kanya.

Silver Claws ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon