Claws 32

1.6K 31 0
                                    

Chapter 32

Bawat hakbang ni daddy palapit sa direksyon namin ay siya ring lakas ng kabog ng dibdib ko. Gusto ko siyang pigilan. Gusto ko siyang sigawan na huminto pero walang lumalabas sa bibig ko. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa malakapit siya samin.

"D-Daddy..."

Blangko niya akong tiningnan bago siya nakipagtitigan kay Caleb. Marahas niya akong ibinigay sa kasama niya at nakipagharap kay dad.

"So, Mr. Ramirez. May gusto ka bang sabihin bago ko simulan ang seremonyas?" nang-uuyam niyang tanong kay daddy.

"Ano bang kailangan mo sa anak ko?" buo ang boses na tanong ni dad sa kanya.

"Wala akong kailangan sa kanya pero sayo meron." This time Caleb's voice wasn't playful anymore. May bahid na ito ng galit.

"May utang kang kailangang bayaran Peter Ramirez."

Bahagyang nangunot ang noo ni dad sa narinig.

"Wala akong natatandaang may utang ako kahit kanino, lalo na sa mga tulad mo. Kung maari ay pakawalan mo na ang anak ko at pag-usapan nalang natin ang utang na tinutukoy mo... Kung meron man."

Rinig ng lahat ang mapaklang pagtawa ni Caleb. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano mabilis niyang sinuntok si Daddy dahilan para tumilapon siya papalayo kay Caleb.

"Dad! Tangina mo Caleb! Papatayin kita kapag nakawala ako dito!" hindi niya ako pinansin, dahan-dahan siyang naglakad papalapit kay dad na ngayon ay iniinda ang natamong suntok.

Binaling ko ang aking atensyon sa baba at nakita kong nakikipaglaban din ang iba. Naging sinyales ang suntok na iyon para magsimulang muli ang gulo. Nahagip ng tingin ko si Red at Xavier na mano-manong nakikipagsuntukan. Sinuyod ko ng tingin ang lugar para hanapin ang isang tao pero bigo akong hanapin siya. I can't see Third. Nandito lang siya kanina, but now he's nowhere to be found.

Muling bumalik ang tingin ko kina daddy at halos sumigaw ako nang muling sinuntok ni Caleb si Dad. Kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mukha pero hindi siya lumalaban. Hinahayaan lang niyang saktan siya nito.

"Matagal ko ng gustong gawin ang bagay na ito sayo. Wala kang kwentang tao Ramirez!"

"Tama na Caleb! Dad!"

Mas lalo akong nagpumiglas nang makita ang baril na nakatutok sa ulo ng ama ko. Binalot ng kaba ang dibdib ko nang sumagi saking isipan ang maaring mangyari kapag kinalabit niya ang gatilyo ng baril.

"No! No! Please Caleb!"

"Hindi ko pa siya papatayin kaya kumalma ka mahal na Prinsesa. May gusto pa akong marinig mula sa kanya. Patikim palang yung mga suntok ko. Warm up kung baga." Bumaling siya sa direksyon ko at kahit suot niya ang kanyang maskara, alam kong nakangisi siya sa likod nito.

"Ohhh.. Are you crying? Iniiyakan mo ang taong ito? Don't waste your tears to this man."
Hindi ko pinansin ang luhang pumatak sa pisngi ko. Sinamaan ko siya ng tingin bago ko binaling ang atensyon kay daddy na ngayon ay nakatitig sakin. Hindi ko mabasa ang kanyang mukha. Masyado itong blangko.

"Ngayon. Gusto kong malaman kung bakit mo tinangkang patayin si Lawrence, ang matalik mong kaibigan."

Bumaling sa kanya si dad at nakikita ko ang gulat sa kanyang mga mata.

"B-Bakit mo siya kilala?"

"Just f*cking answer me Ramirez. Bakit mo siya tinangkang patayin? Sagutin mo ang tanong ko ngayon mismo sa harap ng anak mo. I want her to know how evil his father is."

Silver Claws ( COMPLETED )Where stories live. Discover now