Claws 5

2.5K 44 0
                                    

Chapter 5

Napapalingon ang lahat ng madaanan naming apat. Bukod sa nakakatakot ang aura nung dalawa (pertaining to Shimie and Cassandra) ay kalat na rin ang pagiging Guardian ko. Yeah, sa kabila ng pagtanggi ko ehh sa club din pala nila ang bagsak ko.

"So totoo nga na Guardian ang transferee na yan?"

"Nadagdagan ang mga weirdo. Dalawang scary, isang childish at isang nerd. Great combinations."

May ilan-ilang natawa sa narinig. sinamaan ko sila ng tingin. Wala namang pake ang tatlo at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Isang bagay ang narealize ko simula nang naging Guardian ako. Guardians are the peace maker yet they have many bashers. Marami ang ayaw sa kanila err.. samin.

"Don't mind them. They're just some bitches and jerks na walang magawa sa buhay." Sabi sakin ni Shimie ng mapansin ang masama kong tingin sa kanila.

"Bessy!!!!"

Nahinto kami sa paglalakad nang biglang may sumunggab sakin. Muntik na akong mawalan ng balance kung hindi lang niya ako hinila palapit sa kanya.

"Stop it Intsik." Bahagya ko siyang tinulak. I saw her pout as she glance to the three.

"Pinagpapalit mo na ba ako sa kanila bessy?" pinangunutan ko siya ng noo.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Simula nung magsign up tayo for clubs ay sila na ang kasama mo! Nakakatampo ka bessy! Nakakatampo ka!" napansin ko ang pag-iling ni Shimie. Nakangiting lumapit si Nhada kay Shane at nag-abot ng kamay.

"Hi! I'm Nhada Nemes."

"Hello Nhada! I'm Shane, nice to meet you!"

"Bestfriend ka ba ni Yen?"

"Yup! Sabay kaming lumaki niyan kaya alam ko ang amoy ng utot niyan. Hahahahaha.."

"Hahahahahahaha."

Great. Nagsama ang mga isip bata. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang aming classrooms.

"Bye Nhada! See you later!"

"Bye Shane. Bye Yen!"

Since nasa ibang section silang tatlo ay kami lang ni Shane ang pumasok sa classroom namin. Sakto namang pag-upo namin ay ang pagpasok ng Adviser namin.

"Good morning class."

"Good morning ma'am!"

"Today, I will arrange your seating arrangement."

Marami ang nagreklamo sa narinig. Maging si Shane ay nagreklamo. Wala kaming nagawa nung isa-isa nang nagtawag si ma'am. Alphabetical ang seating arrangement at halo ang girls at boys kaya expected na nasa likod ako.

"Miss Go, Miss Gomez...."

"Ano ba yan. Ang layo ko sayo bess!"

"Buti nga para walang mag-iingay sa tabi ko."

"Ewan ko sayo!"

Nagtuloy-tuloy lang si ma'am sa pagtawag hanggang sa matawag na ako.

"Miss Ramirez and lastly....... Mr. Rios."

Umupo na ako sa upuan ko. Mabuti nalang at malapit sa bintana at medyo malayo sa ingay kaya ok na saking nasa pinakalikod. Nagulat nalang ako ng makilala kung sino ang umupo saking tabi. Tulad nung una ay seryoso ang kanyang mukha at may suot na headset. I watch his every move kaya nagulat nalang ako ng lumingon siya sakin. At tulad nung una ay nakakailang ang paraan niya ng pagtitig. Para bang hinahalungkat niya ang nasa kaloob-looban ko sa pamamagitan ng kanyang titig. He has dark eyes that really bothers me a lot. I noticed that his messy hair really suits him. He has pointed nose and pinkish lips. Mahaba rin ang pilik mata nito.

Silver Claws ( COMPLETED )Where stories live. Discover now