Claws 36

1.6K 30 1
                                    

Chapter 36

Yeniesh's POV

Tulad noon, bigla na namang nawala ang Silver Claws at kabilang na doon si Third. Matapos kong makabalik sa school, nawala na naman silang parang bula. It's been three days nang huli ko silang makita. Tatlong araw na ring hindi nakakauwi ng bahay si Third at wala manlang reklamo si Tita Thiarsy sa pagkawala ng kanyang anak. It's like, ordinary lang sa kanyang hindi nakakauwi si Third. Maybe she also knew about the mafia thing, that's why.

Sa tatlong araw na wala si Third, laging ang pinsan nitong si Airile ang kasama ko. And right now, I'm with him walking in the hallway.

"Cutting tayo my labs!" bulong niya sakin. Sinapak ko naman siya sa balikat na agad niyang ininda.

"Anong cutting?! Isasama mo pa ako dyan sa kalokohan mo eh."

"Hindi no, and I know that you also love cutting classes. Narinig ko sa mga friends mo at also kay cousin that you always do it."

"Gumaling ka na sa pagtatagalog ah." Pag-iwas ko sa sinabi niya. But seriously, talagang umayos na ang kanyang dila sa pananagalog. Hindi na tulad noong una naming pagkikita na halos bumalikta na ang dila sa pagsasalita.

"I'm a fast learner you know but hey! Don't change the topic! Total wala naman dito si cousin and since I also love cutting classes, let's go on in a date my labs."

Inakbayan niya ako at pinipilit na lumiko. Nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako sa kanya and since mabilis naman akong mapilit, nakita ko nalang ang sariling hila-hila siya papunta sa magiging daan namin palabas ng Academy.

Abot tenga ang ngiti niya habang tinatahak namin ang daan. This is also the place kung saan ko unang sinundan si Third kung kailan siya noon magcu-cutting. And also the time when he brought me to UGC. Speaking of UGC, hindi ko na napuntahan ang lugar na iyon simula nang mangyari ang mga bagay-bagay sa paligid ko.

"How did you find this way my labs?" tanong ni Rile habang nakasunod sakin.

"Dito kami madalas dumaan ni Third kapag nagcu-cutting."

Mabilis kaming nakarating sa gilid ng kalsada at hindi naman kami natagalang maghintay ng taxi dahil mayroon agad na dumaan. It took us maybe 10-15 minutes bago namin narating ang mall kung saan gustong gumala ng kasama ko.

"Since this will be our first date, where do you wanna go first my labs?" nakangising umakbay sakin si Rile na hinayaan ko nalang.

"It's not a date ok?"

"Sige na naman my labs pagbigyan mo na ako. Hindi ako makaporma sayo when my cousin is still here. And since he's not here, I'll take the advantage to have a date on you."

"Tss... ewan ko sayo. Basta libre mo?"

"Yup!"

"Edi tara, date na kung date."

"Yes!!!"

Tulad ng mga ordinaryong date, we planned to watch movies, eat to a nice restaurant and do something fun. Una naming pinuntahan ay ang movie house. Horror ang gusto niyang panoorin kaya yun ang pinanood namin. Bumili siya ng popcorns and drinks.

"My labs, kapag natakot ka you can hug me ok? I'm willing to be your pillow." Sabi niya sakin nang mag-umpisa na ang palabas.

"Oo nalang." Tamad kong sagot.

Silver Claws ( COMPLETED )Where stories live. Discover now