MGIH C-48: The Story Behind Her

Start from the beginning
                                    

Unti-unti siyang lumapit sakin.

Nakatingin lang ako sa mga paa niya na papalapit sa pwesto ko.

"Fine. Go to room now. Go get some rest. We'll meet them later. Do I make myself clear?" sabi niya habang hinihila ang kamay ko patayo.

Nakayuko akong sumagot.

"Yes mom."

Nagsimula na akong maglakad papuntang kwarto nang magsalita siyang muli.

"I love you."

"I love you, too, mom," matamlay kong tugon. Ni hindi ko siya nagawang tingnan sa mata. Tiningnan ko lang siya sa gilid ng mga mata ko habang sinasabi ko yung mga katagang yan.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad kong sinarado ang pinto at padabog itong ni-lock.

Inihagis ko lahat. As in LAHAT ng bagay na mahahawakan ko including my cellphone na picture pa namin ni Charles ang wallpaper.

"Arrrrrgggggghhh!" napasabunot ako sa buhok sa sobrang frustration!

Nahawakan ko yung remote control at ibinato ko ito sa flatscreen TV na nasa mini living room ng kwarto ko... Ayon, BASAG! Kulang pa nga yan actually.

Kinuha ko yung laptop na regalo sakin ni mommy nung birthday ko.

Nilapag ko lang naman ito sa sahig......... then......... inapakan ko lang naman. At sa sobrang inis ko tinalunan ko pa habang sarcastic na tumatawa.

"Mwahahahahaha! Hahahahaha! Konti na lang masisira na... masisira na ang ulo ko."

Napaupo ako sa sahig pagkatapos kong siraan yung laptop. Sinasabunutan ko pa rin ang sarili ko habang umiiyak.

Tumigil ako bigla at saka tumawa na parang wala ng bukas.

"Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!"

Bigla na lang akong tumayo at kinalalkal ang cabinet ko na malapit sa study table ko.

Kinuha ko yung bow and arrow ko. Nag-aaral kasi ako ng archery dati.

I smirked.

Matagal-tagal ko ng di nagagamit 'to. Nami-miss ko ng gamitin. Hindi naman siguro masama kung ite-testing ko di ba?

Hindi pa naman ako nasiraan ng bait para pumatay ng tao. Slight pa lang naman.

Isinuot ko na ito sakin at inayos ko na ang posisyon ko.

Tinutok ko ito sa ceiling kung saan nakakabit ang mamahaling chandelier.

**Ting**

BULLS EYE!

Nabasag yung chandelier at nalaglag sa akin yung glass pieces.

Bigla na lang nagdilim ang paligid ko at ang huli ko lang naramdaman ay may bumaon sa katawan ko at may likidong patuloy na umaagos papunta sa binti ko.

**End of flashback**

Nagising na lang ako noon na nasa isang kwarto na puro puti ang paligid. May kumikirot din sa kamay ko at nakita kong may malaking karayom na nakatusok dito. Ang haba rin ng damit na suot ko at ang dami kong bandage sa katawan.

Inabot ako ng three days doon. Actually, ayaw pa nga akong paalisin ng mga doktor dahil hindi pa magaling yung mga sugat ko pero wala naman akong mapapala doon. Ang boring boring dun! Tapos may mga nurse pang palaging nagpupunta sayo, palaging nagbabantay sayo. Ano ako bata?! Tapos akala mo naman concern talaga sila sayo! Mga plastic! Tss!

Marrying the Guy I HateWhere stories live. Discover now