BOOK 3 - Chapter 46

Start from the beginning
                                    

Days have passed. Pakiramdam ko bumibilis ang araw. Nagiging maayos na ang trabaho ko. At si Hunter ay natanggap sa HR office. Pero iba ang schedule niya. 6am ang pasok niya kaya minsan ko lang din siya makita sa company.


"Bhie, susunduin kita mamaya. May bagyo."


Tumango ako. "Maaga kang aalis ng office mo?"


"Most probably. I'll just ask my secretary to cancel any meetings."


"Okay. Pasok na ako. I love you." Sabi ko saka siya hinalikan sa labi.


"I love you too."


Pumasok na ako at hinarap ang isang tipikal na araw ng trabaho. Lunch time namin, beef daw ang ulam. Kumakain naman ako ng beef pero bigla kong hindi nagustuhan ang amoy. Sabi ng mga kasama ko okay naman daw. Bagong luto naman ang ulam.


Sinubukan kong kumain pero hindi ko talaga kaya ang amoy. Nagpa-excuse ako sa mga kasama ko at nagpunta ako ng cr para magsuka. Pagkabalik ko, tinukso agad ako ng mga kasama ko.


"Buntis ka na ba, girl?"


Natawa ako. Imposible. Baka hindi ko lang talaga nagustuhan ang beef ngayon. Humiwalay na lang muna ako sa kanila at sakto namang nakita ko si Hunter sa katabing restaurant.


"Seat taken?" Tanong ko.


"Gibrielle! Nice to see you!"


"Bakit parang ang late mo naman mag-lunch?" Tanong ko.


"Yeah. Daming ginawa kanina e. Ngayon lang ako nagkaroon ng time kumain." Tumawa siya.


"Ikaw? Bakit mag-isa ka?"


"Nagsuka kasi ako sa beef na ulam sa pantry. Hindi naman pwedeng hindi ako kumain."


Tumango na lang si Hunter.


Nagkwentuhan kami habang kumakain. I'd say mas naging mature na si Hunter ngayon. I would just like him to have a special someone that he can love and someone who can take care of him.


Hindi na rin siya bumabata. At siya na lang ang walang partner sa kanilang magkakaibigan. He needs to be happy.


"By the way, may bagyo. Lakas ng ulan o. Susunduin ka ba ni Damon?"


"Oo." Sabi ko.


"Great! Kasi kung hindi, I can wait for you para ihatid ka."


"Syempre ayaw naman na kitang abalahin pa doon no."


He just chuckled.


"Hunter..."


"Hm?" Tumitig siya sakin.


"Kumusta ka?"


Bigla siyang nabilaukan at naubo. Imbes na mag-alala ako ay natawa pa ako. Nakakabigla ba ang tanong ko? Kung sa bagay, siya lagi ang nagtatanong sakin ng kalagayan ko. Ni minsan hindi ko yata siya tinanong.


"Okay naman ako." Sagot niya.


Tumango na lang ako at tumahimik. Sabay na kami bumalik ng office ni Hunter. Kinuha ko ang gamit ko at nagpunta sa cr para mag-toothbrush. Hindi ko pa ulit nakikita ang mga ka-team ko simula kaninang iwan ko sila sa pantry.


Bumalik na ako sa production floor at nagtrabaho na. Nilapitan ako ng Supervisor dahil nabalitaan niyang nagsuka ako. Sinabi kong okay lang ako. It wasn't a big deal. Hindi ko lang talaga nagustuhan ang ulam kanina.


That Frat Leader (TFL SERIES #1)Where stories live. Discover now