✨ 2.54: Levi Fernandez✨

4.6K 100 45
                                    

I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!

#VINCENTwp

✨✨✨

Levi Fernandez

"Are you sure you're really okay? Don't you want to visit the hospital and let them check your wounds?"

Napatingin na lamang ako sa aking mga paa na may mga galos na pala dahil sa ginawa kong pagtakbo at napailing na lamang sa alok ni kuya Sebastian. I couldn't even feel the pain. Para bang pansamantala akong nawalan ng ibang pakiramdam bukod sa pagod.

My gods. Depektibo na talaga ako.

"Ibalot mo 'to sa sarili mo para hindi ka masyadong lamigin."

Hinubad ni kuya Marco ang itim na blazer niya at ibinigay ito sa akin. Hindi ko na lamang pinansin ang ginagawa nilang panonood ni Seabass sa bawat kilos na gawin ko at tahimik na isinuot ang blazer. Nararamdaman kong may gusto pa silang sabihin sa akin ngunit pawang pinipigilan lang nila.

"Savannah..." Gaya ng dati, si kuya Sebastian ang unang naglakas loob na mag-salita. "About what happened..."

"Kuya..." I cut him off. I even fidgeted on my seat and adjusted the blazer by pulling it closer around me.

Sobrang haba naman ng araw na'to, gusto ko ng mag pahinga.

"I...I don't want to talk about it."

"But Savannah---" ani naman ni kuya Marco. Tumingin ako sa kanilang dalawa. Ang bigat pa rin sa kalooban ang lahat ng nangyari pero ayoko na naman bumuhos ang luha ko sa harapan nila. I think I already cried enough. Wala ng ipipiga pa ang mga mata ko. At isa pa, may kaniya-kaniya silang mga pansariling problema, ayoko naman na pati ang sa akin ay isipin pa nila.

"Please..." I whispered. I hugged myself even tighter and leaned my head on the car window. Pinagmasdan ko ang mabilis na paglaho ng mga tanawin sa labas. Parang kailan lang nang una kong pasok sa subdivision na'yon. Wala pa akong ni-isang naalala noon dahil sa aksidente ko at manghang-mangha pa ako sa mga naglalakihang mga bahay at magagarbong mga hardin.

Para pa ako noon isang batang dinala sa amusement park at kung ano-anong mga bagay ang gusto kong puntahan sa subdivision na'yon.

Pero nang may mga nagbalik na akong mga alaala patungkol sa mga nangyari sa lugar na 'yon at alam ko na kung gaano ito kasama ay wala na akong gustong gawin kung hindi tumakas at 'di na bumalik pa.

That place disgusted me. The whole community and my house only reminded me of everything that I've lost and will lose in the days to come. Ayoko ng bumalik. Ayoko ng may mawala ulit sa akin

"If that's what you really want then fine, we'll leave you be."

I forced a small smile at my cousins and went back into looking outside the window.

Half of me wished for another accident to happen. I knew it's selfish to pray for something like that but I couldn't help it.

Gaya ng naging aksidente ko isang taon na rin ang nakakalipas, sana bumangga din itong sinasakyan ko ngayon. Mas mabilis matatapos ang lahat kapag ganoon. Mas mabilis matatapos 'tong pagdurusa ko kung babangga na lang kami sa iba pang mga sasakyan na nakakasabayan namin sa highway at tumilapon na lang kami sa tabi.

Gods. How I wish for that right now.

"Chelsea and Levi are already at your home Sebastian," rinig kong sabi ni kuya Marco. "Chels texted that they already informed the family that all of us will call it a night."

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Where stories live. Discover now