✨2.25: Lost ✨

4.8K 87 30
                                    

I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!

#VINCENTwp
Kaya pa?

Music: Safe and Sound- Taylor Swift

✨✨✨

Lost

Everything around me turned red.

Nang mga oras na humarurot paalis na ang kotseng itim...halos wala na akong makita kung hindi puro pula na lamang.

Pulang dugong dumadaloy sa kalsada...

Pulang dugong tumi-tigmak sa mga binti ko...

Pulang dugong dumadaloy sa noo ng pinsan ko...

Puro pula.

"Savannah! Savannah!"

Hindi ko pinansin ang mga tawag sa akin ni Levi at nanatiling nakatitig sa pinsan kong nakahimlay sa gitna ng kalsada. Nanginginig akong lumapit sa kaniya ngunit may mga kamay na pumipilgil sa akin hanggang sa mapahinto ako sa pagpupumiglas.

Grey?

Naririnig mo pa ba ako?

Gumising ka na kulot...

Please...gumising ka na.

"Savannah, please stop it. He's...he's gone."

Parang ang layo-layo ng boses ni Levi habang tinatawag ang pangalan ko. Milya-milya ang layo nito kumpara sa mga kaganapang nakikita ko noon sa aking harapan. 

Dahil dito, halos mahahawakan ko na ang walang buhay na mga mata ni Grey. Dahil dito, mararamdaman ko ng walang hanging lumalabas sa bibig niya.

"Answer me! D a m n it! Answer me!"

I blinked and watched my twin brother as he approached our dead cousin's body. Miski si Reed ay sinubukan pa siyang iligtas. Kung ano-ano pa ang ginawa nito para lamang magising si Grey.

Tinawag ang pangalan...pinulsuhan...tinakpan ang butas...

Pero wala itong nagawa.

Tama si Levi.

Patay na ang pinsan namin.

Patay na si Grey.

"W-wala na siya..." Hindi ko alam kung narinig pa ba ng mga nakapaligid sa akin ang sinabi ko. Hindi ko alam kung inintidi pa ba nila ito. Hindi ko alam kung sila ba ang sinasabihinan ko nito o ang sarili ko.

Wala na siya, Savannah.

Iniwan ka na niya.

Wala ng kukulit sa'yo.

Wala ng pilyong kulot ang mang-aasar sa'yo.

Hindi mo na maririnig ang mga mura niya.

Hindi mo na siya maasar sa pagsusuot niya ng hikaw.

Wala ng Grey ang magpapasakay sa'yo sa pang karerang kotse niya.

Wala.

Wala na talaga siya.

Natawa ako.

"Stop it, Reed..." ani ko. Nababaliw na ba ako? Bakit ako natatawa habang umiiyak?

Bakit hindi ko matanggap?

"He's dead..." lumunok ako at inulit ito sa kapatid ko. "Tumigil ka na Reed! Grey is dead! He is f u cking dead!"

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Where stories live. Discover now