✨2.47: Alicia Silva✨

3.8K 76 16
                                    

I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!

#VINCENTwp

✨✨✨
Alicia Silva

"Levi, please listen to me!"

"Go,"

"Hindi lumuluhod kung kanino man ang isang Silva, so please! Consider what I'm doing here!"

"What?! Am I suppose to thank you for that? Are you really expecting me to forgive you just because you kneel for forgiveness in front of me, huh? What about what I did just to get you back Alicia? What about it!?"

"Levi... parang-awa mo na. Please...please...paniwalaan mo naman ako oh...please..."

"Just go."

"No! Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka nakikinig sa akin!"

Isang araw bago kami kailangan bumalik sa Manila, nagising na lang ako dahil sa isang masamang panaginip na ilang araw na ako binibisita at sa mga ingay ng mga nagsisigawan doon sa labas ng kwarto kong tinutulugan. It's only 7:30 in the morning when I looked at my clock kaya naman laking pagtataka ko talaga kung bakit kay agaaga ay parang may nag-aaway ka agad.

"What else do you want to say Alicia? Huh? Ano pang kasinungalingan? I've heard enough. Now, get out."

Pagkababa  ng hagdanan ay nakita ko ka agad na nakaluhod si Alicia sa may pintuan habang si Levi naman ay halatang galit na galit na palakad-lakad sa may sala. Hindi na ako nagtaka kung bakit nalaman ni Alicia kung nasaan kami ni Levi o kung bakit siya sumunod pa talaga sa amin para lang magmakaawa sa pinsan ko. That's Alicia. She didn't know how to give up on anything. Hindi na ako nagtaka.

"Levi!" I called out. I couldn't believe he let her kneel down in front of him!

"She's already begging! At least pakinggan mo naman siya!" Napahinto siya sa pagsigaw ngunit hindi nabawasan ang galit niya. Mas lalo pa ngang nag-igting ang panga niya at mas kitang-kita ko ang pagkuyom ng kaniyang mga kamao. He's so angry that I started to panic.

Nang makita naman ako ng kaibigan ko ay agad siyang tumayo at mabilis na tumakbo papunta sa akin.

And compared with my cousin who looked like he's about to kill, Alicia looked like a complete mess. She almost looked like me when I was trying to cut myself in my room. Her eyes were red and puffy from too much crying and she didn't wear any make-up like she always did in the past. Ni 'yung buhok niya walang ayos at mukha rin siyang hindi nakatulog ng ilang gabi dahil sa eye bags na prominenteng-prominente sa kaniya.

"Savannah? Savannah!" She exclaimed,  "Please, talk to him! Help me here! We're friends right? Help me!" Ang higpit ng hawak niya sa braso ko at kamuntikan na niya ako mahila paibaba nang hindi siya matigil sa paghagulgol sa may paanan ko. She looked so much broken that I started to pity her.

Hindi ba naaawa si Levi sa kalagayan ngayon ni Alicia? This girl clearly loves him!

"Don't drag her into this," galit na ani ng pinsan ko na marahas na tinanggal ang kamay ni Alicia sa akin. Pinatayo niya ito at inilayo sa akin. Maayos niya akong naisantabi pero si Alicia ay napa-upo at napahawak sa sahig dahil sa ginawa niya.

"Levi, 'wag ka naman ganiyan kay Alicia! Can you please at least try and listen to her?"

"I did!"

"Pero hindi mo pa rin siya mapaniwalaan?"

I could sense Levi's anger kahit na nasa likod niya lang ako. His whole body was shaking and his fists were all balled up on his side. Alam kong nasaktan siya at siguro ay nakaramdam ng pagtataksil pero kakaiba ang galit niya...nakakatakot.

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Where stories live. Discover now