✨2.17 : Best Friend✨

4.4K 77 6
                                    

Comments are really appreciated :D Thank you!

Tweet me with #VINCENTwp

✨✨✨

Best friend 

Ilang minuto rin nang iwanan ako ni Reed sa pila ay nagdatingan sila Keira at Chelsea. Wala naman silang tinanong sa akin kung saan ako nanggaling at bakit nawala na lamang ako o kung anong napag-usapan namin ng kapatid ko. Dahil doon, kaya ako  nakahinga ng maluwag at naka-aktong parang walang nangyari.

At least hindi pa sila naghihinala na may nangyayari na naman sa amin ng kapatid ko.

"Oh my god, like, nag runaway groom kaya si Sea-bass?"

"Tumigil ka nga Chels. Hindi kayang gawin 'yun ni Kuya. Baka naman nasiraan lang sa daan?"

Tumingin ako sa relo ko at sa mga pinsan kong nagpapanic.

Medyo na delay kasi ang kasal dahil nandiyan na si Khyzza sa labas ng simbahan pero si kuya Sebastian ay hindi pa rin dumadating. Nag-aalala na nga ang mommy nila nang lagpas kalahating oras na ay nawawala pa rin si Sea-bass.

May kumalat tuloy na usap-usapan na sumama na ito sa napapabalitang kabit niya mula sa Pilipinas at tuluyan na talagang iniwan ang fiance na halos mangiyak-ngiyak na sa kaniyang traje de boda. 

Mabuti na lang at bago pa man makarating ang chismis na ito kila tita ay doon naman dumating na si kuya sa simbahan. Wala siya sa aming sinabing dahilan ng pagka late niya pero halata naman sa mukha niya na nalilito, naguguluhan at mukhang hindi siyang desididong ikasal.

Even Levi observed that something was off with kuya.

But of course, itinuloy pa rin ang seremonyas. Hindi naman din pwedeng hindi ito ituloy dahil buntis na si Khyzza at kailangan itong panagutan ni kuya Sebastian.

Hindi ko kilala ang naka partner ko sa pag martsa dahil sa side ito nila Khyzza pero wala lang sa akin 'yun, ang inaalala ko lang talaga ng buong oras na 'yun ay si Monica na pawang naka glue na sa gilid ng kapatid ko. 

But because I couldn't really do anything about it without raising any suspicions, I decided to  just ignore it and continue to pretend that everything was okay.

Konting hintay na lang naman Savannah.

"Where have you been?" tanong ko ka agad kay Eve nang pasimple siyang umupo sa aking tabi. Sa may gilid kasi siya dumaan kaya wala masyado sa kaniya nakapansin bukod sa akin, at kay Keira na umusog para lang maka-upo siya sa pagitna namin.

Hindi siya sa amin makatingin nang magtanong kami muli kung saan siya nanggaling at isang tipid na, "Na-late ako magising,"ang sagot niya.

Pakiramdam ko noon ay ayaw niya ng kausap dahil malungkot ang mukha niya at pawang wala sa mood kaya hinayaan na lang namin siya ni Keira habang patuloy kaming nanood ng kasal ni kuya.

Nang pakiramdam ko ay malapit na silang magpalitan ng vows ay nag excuse muna ako sa mga pinsan ko para pumunta sa comfort room. Gusto ko kasing mag-ayos muna ng sarili bago ko kitain si Reed. I wanted to look the best for him. 

And besides, malapit lang naman ang rest room sa back door na sinasabi ni Reed kaya pwedeng hindi na talaga ako bumalik sa upuan ko at doon na lang muna ako maghintay.

"So..."

I stopped in my tracks when I saw Monica, standing in my way. Nakahalukipkip siya at mukhang kanina pa siya naroon sa harapan ng banyo.

"What?" I asked, masking my surprise. Bakit ba palagi na lang kaming nagkakadaupang-palad?

"Don't play dumb with me Savannah. I know why you're here." Aniya at tumawa pa siya na parang nang-aasar at inikutan pa ako ng mata.

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Where stories live. Discover now