✨2.26: Pawns✨

4.4K 95 15
                                    

I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!
#VINCENTwp

✨✨✨

Pawns

Nang sabihin iyon ni ate Katherine ay halos hindi na makatayo si tita Yasmin at kinailangan pang tumakbo ni kuya Sebastian para lang masalo ang kaniyang ina.

Lumapit din si tito Martial sa mag-ina niya at niyakap niya ang kaniyang asawa.

Lahat ng tao na naroon ay nagsimula ng mag panic. Kaliwa't kanan ang biglang humugot ng kani-kaniyang mga telepono upang matanong ang mga kakilala sa kinaroroonan ng dalawa kong pinsan. Agad din akong napatingin kay tito Miguel ---sa dad nila Levi--- para tingnan ang naging reaksyon niya sa binalita ni ate Kath.

Gaya ng inaasahan ko, kumpara sa panic na nakita ko sa asawa niya ay galit lang ang namumukod tanging nakikita sa mukha ni tito. Umiwas na lamang ako ng titig nang mabilis ngunit matalim siya sa akin tumingin bago senyasan si Ash na sumunod sa kaniya paakyat sa second floor.

Agad namang sumunod sa kaniya ang pinsan ko at iniwan kami roon na walang imik.

"Do you think they eloped?" tanong sa akin ni Chelsea.

Dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kaniya at hindi ko rin sigurado kung talagang nagtanan lamang ang dalawang iyon ay tumahimik na lamang ako at muling napaupo.

At that time, wala kaming pwedeng magawa kung hindi maghintay ng balita galing sa mga pulis at sa mga security details na hinire ng mga pamilya namin para hanapin sila Keira.

It's the only thing that we could do given that we're absolutely clueless about everything that
was happening to us.

By five in the afternoon, umuwi na ang halos lahat ng bumisita kay Grey, bukod sa amin.

Hinanap ko si Maine sa mga kaibigan at blockmate ng pinsan ko na nagpunta pero wala siya roon. I didn't know if she already heard about what happened to my cousin pero sa bilis na kumalat ang mga balitang kagaya n'un ay imposibleng hindi niya pa malaman.

Nagpunta rin si Khyzza to pay her respects ngunit pinauwi na rin siya ni kuya Seabass nang mag-gabi na dahil mabilis na itong mapagod , 'di gaya noon.

Habang nagpumilit naman si Alicia kay Levi na manatili siya para  masamahan siya nito. Nagkasagutan sila pero at the end, pinabayaan na rin siya ni Levi.

Dad came up to me too. Katulad ni mommy ay nag-sorry din siya sa mga nagawa niya sa akin. But he said that he only did what he thought was right. Hindi na ako sa kaniya sumagot pa dahil ayoko lang mapalala pa ang problema.

Reed said that we should lie low. So I planned to do just that.

"Princess, you should go home and have some rest. Kami na ang bahala rito," utos ni daddy sa akin.

I played with the simple golden band that Reed gave me and looked at my dad. Ayoko pang iwan si Grey. I wanted to be with him as long as I could.

"Ayoko po, dad. Gusto kong bantayan si Grey at maghintay ng balita kila Keira."

"Are you sure?" Tanong sa akin ni daddy. Hinawakan niya ang pisngi ko at inipit ang mga ligaw na buhok ko sa likod ng aking tainga. It was a simple fatherly gesture, but I still cringed. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi at ginawa niya sa amin ng kakambal ko nang mga panahong nahuli niya kami.

"Opo, dad."

Ini-alis niya na ang kamay niya at saka tumango.

Tahimik na nag-uusap ang pamilya namin sa paligid. Umiiyak pa rin si tita Yasmin at mukhang hindi pa rin mapakali si tita Ruth. Pinapakalma naman ni tita Chie si ate Kath dahil pinapagalitan nito ang lahat ng maka-usap sa kaniyang telepono.

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Where stories live. Discover now