✨2.35: Kaya Pa Kitang Ipaglaban✨

3.4K 76 5
                                    

I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!

#VINCENTwp

✨✨✨

Kaya Pa Kitang Ipaglaban

"Savannah!"

"Kanojo wa, naibu ni mada arimasu ka?" (Is she still inside?")

Tumango sa akin si Kaizen at kinuha mula sa akin ang aking bag at iginiya kami ni Alicia sa kwarto ni Keira.

"Kanojo no okāsan wa kanojo to isshodesu," (Her mom's with her) aniya.

Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Nang malapit na kami sa may pintuan ay tinapik ako ni Alicia mula sa gilid. "You go ahead, I'll just call Levi. I'll let him know," aniya. Hinayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin at tiningnan ang numero sa labas ng kwarto ni Keira.

Mukhang naramdaman ni Kaizen ang kaba ko dahil muli niya akong kinausap bago buksan ang pinto.

"Kanojo wa kare o sagashiteimasu," (She's looking for him).

"Cole?"

"Hai,"

"Anata wa kanojo ni itimasendeshita ka?" (You did not tell her?)

Umiling sa akin ang pinsan ko. "Auntie's afraid. Keira doesn't want to talk to anyone except you and Cole."

"Ako? Bakit ako?"

Nagkibit balikat lang sa akin si Kaizen bago tuluyan ng buksan ang pinto.

Ang una ko agad napansin ay 'yung mga tao sa paligid ni Keira. Kumpleto ang mga nurse niya doon, ang doctor niya, si kuya Sebastian at si Kyzza pati na rin si tito Martial at si tita.

Lahat sila ay naroon at sinusubukan pakalmahin ang nagwawalang babae na naka-upo sa kaniyang higaan.

My cousin was already drenched with sweat and tears when I saw her. Sigaw din siya ng sigaw at pinapaalis ang lahat ng taong gustong lumapit sa kaniya.

"Nasaan si Cole? Si Savannah? Kailangan ko silang dalawa dito!"

"Calm down hija, kailangan mo muna magpahinga."

"Your mother's right, Keira. We still need to run some test to check you."

"Lumayo kayo sa akin!" sigaw sa kanila ng pinsan ko at nagpatuloy lang sa pagpupumiglas. Napansin kong pinahanda na ng doctor ang mga nurses ng pampatulog sa may tabi. Gusto ko sana sila pigilan ngunit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan. Para bang naka glue ang mga paa ko sa sahig at pinanood lamang si Keira na nagwala sa hawak nila kuya Sebastian.

"Savannah!"

Nagtama ang mga mata namin at paulit-ulit niya akong tinawag. Itinulak ako ni Kaizen nang bahagya kaya naman nagsimula ng maglakad ang mga paa ko papunta sa tabi ng kama niya.

"Sav! Oh my god. I'm glad you're okay!" Mahigpit siyang kumapit sa akin at hinigit upang yumakap. Nanginginig ang buo niyang katawan at naghahalo na rin ang pawis at luha niya sa kaniyang mukha.

"Masaya rin akong nagising ka na," ani ko. Kumawala ako sa yakap niya at kinuha ka agad ang baso ng tubig sa may lamesa para painumin siya. Alam kong nauuhaw na ang isang 'yon dahil na rin sa kagaspangan ng kaniyang boses.

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon