✨ 2.2 : Marahas ✨

9.6K 135 15
                                    

• Warning: SPG •
Comments are really appreciated haha seriously, mas nakakaganang mag update pag madami akong nakakausap sa comment box. Lol anyway, enjoy this one!
#VINCENTwp

✨✨✨

Marahas

"Sorry Levi pero hindi ko alam ang sinasabi mo."

I said with a straight face. Pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin at umiling lamang. He smirked before he spoke.

"I know that it's not my business to pry but..."

"Levi stop. Wala kaming relasyon ni kuya. I'm just feeling clingy and sad that's all. Tapos dumagdag pa 'yung napakadami kong problema rito sa school, kaya ako nag break down kanina."

Pinunasan ko nang tuluyan ang mga mata ko upang kahit papaano ay hindi mahalatang umiyak ako at tumayo.

"Kaya pala kahit anong gawin ko..."

"What?" I snapped and turned around. May sinabi siyang hindi ko gaanong narinig dahil sa nagtatawanang magbabarkada sa harap namin.

"Nothing."

Pinagpag ko ang mga dumi sa aking palda at tumingala sa langit.

Hindi na talaga siya darating.

"Iuuwi mo ba ako?" ani ko.

Pinilit kong ngumiti pero ang sakit talaga. Ang sakit na magpanggap na masaya ka kung ang bigat-bigat naman ng nararamdaman mo sa loob.

"Doon ka na lang mag dinner sa amin," dagdag ko pa sa kaniya.

Tinupi ko nang maayos ang panyong ibinigay niya sa akin at nag-astang ibabalik na ito sa kaniya pero taimtim niya lamang akong tiningnan. I fidgeted under his stare. It's like he could see through me.

At nahihiya ako doon.

"Come here," aniya at saka tumayo at lumapit sa akin. Nilahad niya ang isang kamay niya sa aking harapan pero tiningnan ko lamang ito. Umiling siya muli at siya na mismo ang humigit sa akin. "Iiyak mo muna sa akin 'yan bago tayo umuwi."

"P-pero..."

"I know that you're hurting. I don't know the exact reason but I'm here. You can cry on me."

✨✨✨

Hindi kami agad dumeretso sa bahay. Mukhang gusto niya ata talagang pagaanin ang loob ko at idineretso niya ako roon sa paborito kong fast food joint na kinainan namin dati nang sundan namin si Grey sa kanyang car race.

"What do you want to order?" tanong niya sa akin, matapos niya akong pagbuksan ng pinto palabas sa kaniyang kotse.

"Same?" sunod niyang tanong.

Tumango lamang ako bilang sagot at walang ganang sinundan siya sa loob.

Gaya ng dati, wala masyadong tao ang kumakain dito kaya naman wala kaming naka-agaw doon sa pwesto naming dalawa. Nag-order siya ng kung ano-ano habang ako ay parang baliw na nakatingin pa rin sa screen ng phone ko at naghihintay ng text mula sa nakalimot kong kapatid.

That devil. Bakit ba ako umaasa pa rin sa kaniya? Ang sarap tuloy itapon nitong phone ko para hindi na ako magambala pa ng pag-iisip.

"Eat."

Huminga ako nang malalim at ibinaba ang telepono ko sa may gilid at pinagtitigan ang kakarating na burger sa harapan ko.

"Sa'yo na lang Levi, wala akong gana."

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Where stories live. Discover now