✨2.37: Happy Birthday✨

3.5K 85 13
                                    

I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!

#VINCENTwp

✨✨✨

Happy Birthday

"Hello?"

Kinusot-kusot ko ang mata ko at nagpabaliktad ng pagkakahiga para tingnan ang orasan sa aking gilid.

12:13 am. Friday

"Sino 'to?"

"It's Levi," sagot sa akin ng boses sa kabilang linya.

Inilayo ko ang cellphone ko sa akin at tiningnan ang screen. Numero nga niya ang naka register doon.

Bakit ang aga naman tumawag ni Levi?

"Levi? Kakagising mo lang ba? Bakit ka napatawag?"

Napahikab ako at pinilit na ma-upo sa kama. Marahan ko ring sinampal ang aking mga pisngi para mawala ang antok ko at mabuksan ko na ang aking mga mata.

"Your door is lock, I can't get in," aniya.

Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin kaya tinanong ko siya ulit. "Ha?"

"I'm here outside your room, come on, open up."

Sa sinabi niyang 'yon ay agad na napabukas ang mata ko. Sa pagmamadali kong maka-alis ka agad sa kama at makarating sa pinto  ay nahulog pa ako sa sahig. "Nandito ka na?!" sigaw ko sa telepono. Sinagot niya ako ng isang katok sa pinto.

"Levi!"

Agad akong napayakap sa kaniya nang makita ko siyang nakangiti sa akin sa labas ng kwarto ko. Ibinaba niya ang mga dala niya at tinanggap ako ng buo. Nang maisip ko kung anong itsura ko at naalalang hindi pala ako nakapagmumog bago ko siya pinagbuksan ng pinto ay agad din akong lumayo sa hiya.

"Dumeretso ka ba galing sa airport?"

Ngumiti siya sa akin at tumango. He looked so different with his newly cropped hair. Hindi ako sanay!

"Loko ka talaga, hindi ka man lang nagsabi na maaga pala ang dating mo! Halika, pasok!"

Hawak ko na ang dalawang maleta niya at hinila na ang mga ito sa loob ng kwarto ko nang bigla na lang niya akong pinigilan. He looked so tired but he's still smiling down at me.

"I won't be staying for too long. Didiretso ako kay Alicia," aniya.

Kahit na wala pa ako sa ulirat at hindi pa tuluyang nagigising ay nakaramdam ako ng kilig.

Gods. Swerte talaga ni Alicia sa pinsan ko at siya ka agad ang inaalala. Siguradong good mood 'yun mamaya sa party at hindi ako pagmamalditahan dahil dito kay Levi.

"Don't give me that look," sabi niya sa akin na mukhang nahihiya. Ngumiti lamang ako. I was glad he's happy with her. They're good for each other.

"Here, happy birthday."

He pushed his iPad towards my hands and smiled a little. Nagtaka naman ako dahil hindi ko maisip kung bakit niya ibinibigay ang gamit niya sa akin.

"Thank you! Pero...Huh? Bakit mo binibigay sa akin ang iPad mo?"

Hindi siya sumagot at itinuro niya lang sa akin ang iPad niya kaya naman tiningnan ko ito.

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon