✨ 2.49: Premonition✨

4K 79 15
                                    

I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!

PS: Open your eyes for clues ;)

#VINCENTwp

✨✨✨

Premonition

"Mr. Fernandez, when she wakes up, give these medications to her. After meals mo 'yan ibigay pati na rin itong oral rehydration  solution para maibsan ang pagka-dehydrated ng pasyente.  At kung hindi pa maayos ang pakiramdam niya kapag nagising siya ay dalhin niyo na sa hospital. Actually, I still strongly recommend that we should admit her now. Para mas maobserbahan."

"You said it earlier yourself doc, she's still weak. I don't think she can endure the travel."

"Hmm, sige, kung ayaw mo pang idala sa hospital ang pasyente, desisyon mo 'yan  for now as her representative, but once Savannah wakes up, please call me immediately Levi so that I can personally ask her whether she wants to be admitted or not. We still need her consent regarding this matter."

"Yes doc."

"Sa ngayon, kailangan tutukan ang kondisyon niya. Kailangan tingnan mo kung may mag-iba sa kaniya. Lalo pa't nagdadalang tao iyang pinsan mo. Kailangan natin subaybayan para walang mangyaring masama pa sa kaniya pati na sa bata."

"Yes, I will definitely do that."

Hindi ko mabuksan ang mga mata ko.

Para bang permanente itong nakasara at kahit anong gawin kong pagpupumilit na buksan ito ay wala pa ring saysay.

S h i t. Anong nangyayari? Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko?

"Here's my calling card. Nandiyan na rin ang numero ng hospital. Call us if there's an emergency. We need to observe your cousin overnight."

Ano ba ang nangyayari?

Hospital? Bakit kailangan ko ma-ospital?

"Will do, doc. Here, let me see you off."

Nang nakarinig ako ng mga yabag ng paa papalayo sa akin  ay sinubukan kong muli imulat ang parang may mga grabang mga mata ko upang makita pa kung sino ang mga nag-uusap. 

Pero gods, para akong hilong-hilo at masusuka na nang sinubukan ko pa ang sarili kong pilitin gumalaw.

"T-tubig..."

Even trying to talk and beg for water seemed impossible to do. Pakiramdam ko ay mayroong lihang nagkikiskisan sa lalamunan ko sa tuwing lulunok o magsasalita ako.

"Tubig...tubig..." I managed to whisper.

I tried to shift on my side just to try a different position. Pakiramdam ko kasi ay nangangalay na ang aking likod. Pumipintig na rin sa sakit ang sentido ko sa 'di ko malamang kadahilanan.

S h it. I felt like a complete s h it.

The last thing I remembered was that I was lying on the bathroom's floor. Tandang-tanda ko pa 'yung sakit noon sa tiyan ko na halos ikamatay ko na.

Ayun ba ang dahilan kung bakit ganoon na lang kapangit ang nararamdaman ko? Was it really because of the withdrawal from my anti-depressant drugs? O hindi kaya...hindi kaya nakunan na ako, kaya may mga contractions na nangyari?

"Savannah?" Rinig kong sabi ng isang buo at seryosong boses. Hindi ko na alam kung ilang segundo, minuto o oras ang nagdaan bago pa may nakarinig ng mga hinaing ko ngungit matapos kong marinig ang malalim na boses na bumalot sa buong kwarto ay agad kong naramdaman ang dalawang malalakas na braso ang sumubok na buhatin ako at tulungan akong maka-upo.

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Where stories live. Discover now