✨2.12 : Vincent ✨

5.9K 128 26
                                    

Comments are really appreciated :D Thank you!

Tweet me with #VINCENTwp

✨✨✨

Vincent

So why did you leave?" tanong ko ka agad sa pinsan ko pagkakita ko sa kaniya sa may mobile bar. Tumingin siya sa akin at pinasahan ako ng isang margarita upang inumin.

"Drink that, you'll need that tonight."

"Why?"

"Because you might get hurt and sometimes alcohol is a temporary fix to that."

I threw him a puzzled look but thanked him for the drink. Tumabi ako sa kaniya at umupo rin sa stool at humarap sa mga bisita. I immediately scanned the whole event, and easily spotted my brother and Monica. 

They were laughing and talking intimately to one another. I didn't even see Monica's mother anywhere near them, gaya ng sinabi niya sa amin. 

Was it just an excuse to get rid of me?  

"They clearly liked each other don't you think?" tanong ni Levi. Hindi ako sumagot pero nilingon ko siya. Hindi siya mukhang na guilty dahil sa tinanong niya sa akin 'yun at inubos lamang ang kaniyang whiskey at nag-order pa ng isa sa bartender na naroon.

"Don't tell me you haven't noticed it yet, Savannah. Kahit ano pang sabihin sa'yo ng kapatid mo, halata mo naman," dagdag pa nito.

Napabalik ako sa panonood sa kapatid ko. I sipped my drink, trying to find the right words. Noong mga puntong iyon, may binulong si Reed kay Mon na tinawanan naman ng isa.

"W-wala naman akong napapansin." 

Sinubukan kong lumunok, pero ang hirap. Parang may barang bigla na lang lumitaw sa lalamunan ko. Miski 'yung mga mata ko ay parang napasukan na lang bigla ng mga dumi at para akong napupuwing habang pinapanood ko ang dalawa na patuloy na nag-uusap at parang may sariling mundo sa gitna ng mga nagsasayawang mga kamag-anak namin. 

Nang higitin ni Monica si Reed sa dance floor at tumatawang sumama sa kaniya ang kapatid ko, naramdaman ko na lamang na may unti-unting kumukurot na sa puso ko.

"He wouldn't do that to me," giit ko habang pinapanood ang kapatid ko na inilagay na ang ang kaniyang mga kamay sa bewang ni Monica. 

Out of my league was playing in the background and instead of singing along to one of my favorite songs, ang gusto ko lang gawin ng mga oras na 'yun ay sugurin sila Reed at hablutin siya papalayo sa mga yakap ni Monica. 

"He could," malungkot na sabi ni Levi."But you're better than this, Savannah," aniya. "Look at them. Look at the way he looks at her, the way he talks to her, and tell me if it's still nothing."

Alam ko ang tinutukoy ni Levi, at tama naman siya. Kahit na sa malayo ay kitang kita ko ang tinginan nila sa isa't isa. Kitang kita ko mula sa kinauupuan ko kung paano niya ipulupot ang kamay niya sa baywang ni Monica at kung paano siya ngumiti sa sinabi sa kaniya ni Mon.

"You're asking me why I rudely walked away earlier?" tanong ng pinsan ko sa akin. Pinipigilan ko na ang luhang nagbabadiyang pumatak kahit na imposible at lumingon sa kaniya. 

"Hindi ko lang kasi masikmura na makitang masaya 'yang kapatid mo habang ikaw ay nandito at nahihirapan."

I breathed deeply and looked up. Tumingala ako para pigilan ang mga makukulit na luhang gusto ng pumatak, pero napabalik lang ako sa panonood sa dalawang nagsasayawan sa gitna. 

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon