✨2.36: Expose Them✨

3.9K 83 4
                                    

I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!

#VINCENTwp

✨✨✨

Expose Them

Patuloy lamang siyang nagsisigaw sa akin at nagpumilit na makalabas ng kwarto hanggang sa mga magulang niya na mismo at sila Kaizen na ang pumasok muli sa loob at pinigilan ang pagwawala niya. Nagsidatingan din ang doctor at ang mga nurses na ipinagtulakan niya.

"What happened?" tanong sa akin ni tita nang hindi matigil si Keira sa pagsigaw. Napakayap na nga si tito Martial sa anak niya dahil nagsisimula na itong magwala at magsisipa sa kanila para lang makalabas ng kaniyang kwarto at hanapin si Cole.

"Savannah...parang awa mo na...bawiin mo ang sinabi mo. Buhay pa siya 'di ba? Masamang biro lang 'to 'di ba? Savannah naman, sumagot ka!"

"Keira...sorry...sorry..."

"Anong sorry? Hindi ko kailangan ng sorry mo. Kailangan ko si Cole!"

Lumapit ako sa kaniya pero bigla niya akong itinulak. Kinuha ako ni tita at inilayo sa anak niya. "Keira! Anak! Ano ba! Wala na nga si Cole!"

"Pati rin ba ikaw mommy?" Umiling si tita sa kaniya at napansin kong nagsisimula na rin itong lumuha.

I knew she didn't want the relationship that her daughter had with Cole, but seeing the desperation of her daughter's cries, I could understand why she's shedding some tears.

"Keira, you need to rest. We will talk about this again when you wake up alright?" Mahinahon namang paki-usap ni tito Martial sa kaniya. Pero hindi pa rin siya kumbinsido at kumawala pa rin sa yakap ng ama.

"Kaya ko ang sarili ko...please, kahit hindi na kami mag-usap...kahit sa labas na lang ako ng room niya. Gusto ko lang naman makasigurado kung okay lang siya...please, daddy...please!"

Iling lang sa kaniya ng iling si tito Martial. Hanggang sa hindi na ito nakapagpapigil at sapilitang pina-upo ang anak sa kama. Dumami na rin ang mga nurses na tumutulong sa kanilang dalawa ni Kaizen upang mapilitang mapahiga si Keira doon sa kama niya.

"Keira..." paki-usap ko. "Please naman oh, maniwala ka na sa amin...Kung buhay lang si Cole ayaw ka niyang makitang nagkakaganito...Keira..."

"Shut up! Shut up! Shut up!"

Napangiwi ako sa gulat sa pag-sigaw niya. I still didn't know how to stop myself from crying and I still didn't know what else I could say to ease her pain, dahil miski ako ay nakaramdam na naman ng sakit at pangungilala sa mga pinsan ko.

Akala ko maayos na ako. Akala ko tanggap ko na ang pagkawala nila...nagkamali pala ako...and I didn't have enough words left in my mouth to console her.

Ano pa ang magagawa ko? Ano pang masasabi ko sa kaniya? She's hurting now more than me or anyone here inside the room...ano pang silbi ng mga salita ko?

"Come, I'll get you home," rinig kong sabi ni Alicia.

Sinimulan niya na akong hilain papalabas ngunit hindi ko pa rin maiwasan lingunin ang pinsan kong pahina na ng pahina ang mga sigaw sa amin. Nakita kong tinuturukan na pala siya ng doctor niya ng pampakalma...

"Halika na," higit sa akin ng isa. "Wala ka naman maitutulong sa kaniya kaya umuwi ka muna."

Kahit na mabigat sa loob kong iwanan na ganoon ang kalagayan ni Keira, ay sinunod ko pa rin si Alicia at iniwan ang isa.

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Where stories live. Discover now