✨2.13 : She Found Me ✨

5.5K 133 31
                                    


Comments are really appreciated :D Thank you!

Tweet me with #VINCENTwp

✨✨✨

She Found Me

Hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero pagkasabi niya ng kaniyang pangalan ay bigla na lamang akong nalunod sa mga imahe na biglang dumagsa sa akin... sa mga ala-alang akala ko ay tuluyan ko ng nakalimutan. 

'Yung kasal ng step-mom niya... 'Yung pagpapakilala ni Monica sa amin...

'Yung lip ring.

'Yung pangalang Vincent.

Napanaginipan ko na'tong lalaking 'to.

I...I know him.

"I saw you in my dreams," wala sa wisyo kong sabi.

Gods. My head was already pounding but I couldn't take my eyes off of him. Hinuhugot ako ng mga mata niya. His jawline...his nose...his lips... Hindi ko magawang umiwas ng tingin dahil para niya akong ikinulong sa kaniyang titig. Ano ba ang mayroon sa lalaking 'to?

"Pardon?" Natatawa niyang sabi. He got this cocky grin on his face that I really wanted to erase but at the same time to stare at... and his eyes, gods. They were twinkling with mischievousness in the dark.

Sa pangalawang pagkakataon ay kinilabutan muli ako sa tawa niyang mapang-asar kaya hindi ako nakasagot sa kaniya. Tumaas ang kaniyang kilay habang ibinaba naman niya ang kaniyang nakalahad na kamay na nag-alok sa akin ng wine glass at mas lalong naglakad papalapit.

Napahawak ako sa aking ulo dahil hindi ko talaga malaman kung bakit parang bigla na lang siyang pumipintig sa sakit at para akong nasusuka sa pagkahilo. 

Deja Vu. 'Yun lamang ang tumatakbo sa isip ko habang pinapanood ko ang bawat galaw niya. Alam kong nangyari na ito dati. Alam kong nauulit lang ang lahat ngayon. 

At isa pa, parehong pareho sa napanaginipan ko sa Baguio ang nakikita ko ng panahong iyon. Parehong lalaki. Parehong mapanganib na aura. Pareho ang mapaglarong mga ngiti. 

Kagaya sa panaginip ko, ay wala rin siyang suot na jacket para sa kaniyang tuxedo at nakabukas na rin ang ilang butones sa kaniyang puting polo. Miski ang mga manggas din ng kaniyang damit ay hindi rin maayos na nakatupi. 

Ngunit kumpara sa panaginip ko ay medyo magulo na ang kaniyang buhok na para bang bago siyang gising. Nakasilip din ang kaniyang napakaraming tattoo sa maskulado niyang mga braso at palibot sa kaniyang leeg. Pati rin sa kaniyang matikas na dibdib ay may sumisilip na makukulay na tinta. Parang walang katapusan itong pumapalibot sa kaniyang natatagong katawan.

Alam ko noon na dapat sanay na ako sa mga kagaya niya dahil miski si Reed ay may mga tattoo rin na nagkalat sa katawan at sa tuwing pumupunta ako sa shop ni Keira ay nakakakita ako ng mga ganoong tao na halos maging balat na nila ang tinta, pero habang tumatagal at pinagtitigan ko si Vincent ay hindi ko maiwasang hindi mamangha. 

Hindi siya mukhang madungis at walang ayos. Sa totoo nga niyan ay nakakadagdag pa ito ng kaniyang kakisigan.

Gusto ko pa sanang tingnan ang bawat tinta sa kaniyang balat ngunit bigla kong naalala ang kapatid ko kaya pinigilan ko talagang ilibot pa ang mga malilikot na mga mata ko sa mga bagay na hindi dapat nito tingnan.

"Is that suppose to be a pick-up line or what?" aniya. Ngumisi siya sa akin at uminom ng kaniyang alak sa baso. Nang mapansin niya akong pinapanood siya ay nagsalin muli siya baso at muli akong inalok.

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Where stories live. Discover now