Chapter 4

318 13 4
                                    

Chapter 4

He's a man..

Maaga akong nagising at aaminin kong hindi ako nakatulog dahil kagabi, hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi, pero nakakahiya kung hindi dahil pumayag akong makipagkita sa kanya. Nakakahiya kung tatanggi ako ngayon, tsaka paano ako makakatanggi, ni wala nga akong cellphone number nya so paano ko sasabihin sa kanya na hindi ako makakapunta?

Dapat pala sinabi ko sa kanya na next time na lang ay mali pala, dapat pala sinabi ko sa kanya na sa kanya na lang yung bookmark ko o kaya naman kung gusto na niyang itapon, gawin niya. Namomroblema tuloy ako ngayon. Humarap ako sa salamin at nakita ko ang naglalakihan kong eyebags.

Ano ba yan, Aisha? Nagbebenta ka ba ng eyebags? Bakit nga ba ako nababahala? Isasauli lang naman niya ang bookmark ko, diba? Ano naman ang mali doon? Wala naman, diba? Oo nga pala, ito pa lang ang unang beses na may ime-meet akong lalaki after I broke up with my first boyfriend, 2 years ago—more like mag ti-3 years na pala.

E ano ngayon kung ime-meet ko ang isang lalaki? Wala namang malisya don! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Makagayak na nga!

"Goodmorning, Ayi!" bati sakin nila Courtney nang makita ako, they used Ayi to call me to shorten my name. "Goodmorning" I greet them back.

"Dala mo laptop mo?" tanong ni Risha. Tumango ako bilang sagot. Sasabihin ko ba sa kanila? Paano ko sisimulan? Ikwe-kwento ko ba muna yung first time na nabunggo ko sya? Sabagay I can't tell them na magkikita kami ni Aeron mamaya nang di ko sinasabi sa kanila yung mga pangyayari kung paano ko nakilala si Aeron.

Maguguluhan kasi sila. I was about to tell them nang biglang dumating ang prof namin. Reporting ang ginagawa namin at dahil isa akong mabuting studyante di ako nakinig sa mag reporter, eh kasi naiisip ko si Aeron. Paano kung may makakita sa amin?

Baka mamaya may girlfriend sya? Paano kung bigla kami makita? Baka mamaya awayin ako ng girlfriend niya! Ayokong masira ang image ko! Hay, paranoid na yata ako.  

Natapos ang klase namin hanggang 2. Bumaba na kami at saktong paglabas namin ng room bumungad sa akin ang muka ni Aeron, napahinto ako sa paglakad, ganoon rin naman sila Risha. Bahagya akong kinurot ni Risha sa braso ko. Nakatingin ako kay Aeron at ganoon man sya, tila hindi namin alam kung sino ang magbibigay daan. 

"Uh, excuse me" banggit ko na lang muka namang natauhan si Aeron kaya agad tumabi sa kanan. Naglakad kami at nagpahuli ako kala Risha at sinulyapan ng tingin si Aeron na nakatingin din sa akin. Tumango sya sa akin at ngumiti, feeling ko ay tumaas ang dugo ko papunta sa muka ko. Napangiti ako ng pilit at nag iwas agad ng tingin. 

Hindi talaga ako sanay makipagtinginan ng matagal sa mga lalaki, naiilang kasi ako at nahihiya. Hindi talaga ako ganoong ka confident sa sarili ko eh.  

Pumasok kami ng library at naghanap agad ako ng mga books at related study sa thesis namin. "Aisha may mobile data ka diba?" tanong sa akin ni Jewel. Nilabas ko yung phone ko at binuksan ang mobile data ko. Nagsearch ako ng iba pang related literature sa thesis. At binigay ko kay Risha ang phone ko at sya na lang ang pinag browse ko sa mga lumabas na results.

Nagtype na rin ako sa laptop ko, may dinagdag pa kasi ako sa background of the study. Sa totoo lang, ayoko talagang gumawa ng thesis, letse kase. Imbis kasi na nagpaparty-party na lang kami, namomroblema kami sa thesis namin. Di naman ito kailangan sa work. 

"Oh my god!" napatingin ako kay Risha na napasigaw, dahilan para mapatingin ang lahat sa amin. "Sorry ma'am" pagpapahingi ng pasensya ko at tinuon ang tingin ko kay Risha. "Bakit?" kunot noo kong tanong sa kanya. Maya maya lang ay tinapat nya sa muka ko ang screen ng phone ko at nakita kong nag pop up yung pangalan ni Aeron sa messenger. 

StayWhere stories live. Discover now