Chapter 37

183 9 0
                                    

Chapter 37

Lost

Matapos ang nangyari at nang gumaling si Aeron ay patuloy pa rin ang pagbisita niya dito sa aming bahay.

My brothers were used to it. Kahit na minsan ay hindi maipinta ang muka ni Andrew. Kuya Axel seems fine with me and Aeron hindi ko lang alam kung magiging ganoon rin ba si Andrew.

About mom and dad, wala naman silang magawa kapag dumadaan dito si Aeron. They do talk to him and I wish na magtuloy tuloy iyong pagiging cool nila sa kanya.

Napag usapan rin nila mommy at ng mga tita't tito ko na after Christmas na lang ganapin ang grand reunion namin. Sa mga nagdaang araw ay napag usapan rin namin nila Calix na magkita kita sa Christmas Eve, kung saan gaganapin kala Aeron at ngayon ang araw na iyon.

Nakapag paalam naman ako kala mommy at siniguro ko silang makababalik ako before 12 dahil mga ganoong oras kami magsisimula ng kaunting salu-salo.

I wear loose shirt and white short and flats. Ipinulupot ko ang buhok ko at muli kong pinasadahan ng tingin ang aking sarili sa salamin. Binitbit ko ang paper bag na may laman na regalo para sa kanyang kapatid.

Mag a-alas sais na ng gabi nang dumating si Aeron para sunduin ako. Nagmano siya kala mommy at iniabot ang paper bag na dala niya.

"Salamat iho. Nag abala ka pa." Ani mommy at bumaling sa kay daddy na nakatingin kay Aeron.

"Aalis na po kami." Pagpapaalam ko sa kanila bago bumaling kay Aeron na ngayon ay nakatingin sa akin. He's wearing a shirt and khaki shorts.

Hinatid kami ni daddy sa labas at bago pa tuluyang makapasok si Aeron sa driver's seat ay may binilin pa si daddy sa kanya.

"Anong sabi sayo ni daddy?" Ngumuso siya, nagpipigil ng ngiti.

"He invited me to come on your grand reunion." Napaawang ang bibig ko at napangiti.

"That's good! Aayain na nga sana kita ngayon e.." tumingin siya sa akin at ngumuso. "You looked happy." Aniya na nginitian ko na lang.

Of course I am happy! Pakiramdam ko kasi ay natatanggap na ni daddy si Aeron. Si mommy ay mukang ayos naman na sa kanya. Si daddy lang naman talaga ang masyado kong inaalala.

Nawala sa isip ko iyon nang tumunog ang cellphone ko. It was a text from Risha. Sinasabi niya na ngayon pa lang sila paalis ni Jacob, ang boyfriend niya.

Pagkadating namin sa bahay nila Aeron ay naroon na ang ilang sasakyan. It must be from his friends. Pagkapasok namin sa bahay ay tama nga ako. Naroon na ang mga kaibigan niya kasama ang mga girlfriends nila.

Napag usapan kasi namin na mas maganda kung magsasama sila. At tulad nga nila Vien ay kasama ang mga girlfriends nila. Hinanap ng mata ko si Calix ngunit ay hindi ko siya mahagilap.

"Looking for my buddy?" Napatingin ako kay Aeron, "He'll be late. He's still pursuing his girl to come with him." Pagpapatuloy niya at ngumisi.

Part of me is getting excited to see him with his girl. But part of me is concern. Nag aalala ako dahil sa ayokong makita siya na may kasamang kung sinu-sinong babae lang. I want to see him with someone na alam kong makakapagpatino sa kanya.

"Anyway, where's Aizy?" Hindi ko pa kasi siya nakikita. "She's not here. She's with our cousins." Napanguso ako. I thought I'm gonna see her.
Nakalipas pa ang ilang minuto ay nagsidatingan na nga ang mga kaibigan ko with their boyfriends. We were having a chit-chat nang magsigawan ang mga lalaki.

Napatingin kaming lahat sa pinto kung saan naroon ang kakapasok lang na si Calix kasama si Ynah.

Hindi ko napigilan ang pag silay ng aking ngiti. Ynah's cheecks turned red nang magkasalubong ang mga tingin namin. Mas lalo siyang namula nang mas lalo akong napangiti. I like her for him.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon