Chapter 39

141 8 0
                                    

Chapter 39

Still young

Iba't iba ang naging reaksyon nila ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin dahil kay grandma ako ngayon nakatingin. Hindi siya mukang nagulat sa sinabi ko at mukang hindi rin siya natuwa. Her expression is unreadable.

Napansin ng mga tita't tito ko ang katahimikan namin kaya sila napatingin sa amin. "What's going on here?" Tanong ni tita Amie.

Tumawa ng mapakla si grandma, "Oh, nothing. Aisha have just introduced her boyfriend to me." Saad ni grandma kay tita Amie at binalik ang tingin kay Aeron.

"Welcome to the family, iho. Enjoy this night!" Ngumiti siya sa kanya ngunit nang bumaling siya sa akin ay matalim na tingin ang natamo ko.

Kumapit ako kay Aeron nang maramdaman ko ang panlalambot ko. This will be hard, I know. Hindi ko na lang ininda iyon at inaya siyang kumuha ng pagkain. Habang kumukuha kami ng pagkain ay lumapit siya sa aking tainga

"Why is that asshole here?" Bulong niya sa malamig na tono. Tiningnan ko siya at napabuntong hininga.

"Family." Tanging nasagot ko. Mukang hindi naman niya naintindihan. "I'll tell you later." Saad ko sa kanya at hinila na siya papunta sa taas.

I know all of them are watching us. Hawak ng isang kamay ko ang kamay niya at ang isa naman ay hawak ko sa aking plato habang kami ay papunta sa aking kwarto.

I closed the door as soon as we get there at pumunta sa balcony ng aking kwarto at doon pumwesto dahil may table doon.

"Now, tell me. Why is he here? Why were you hugging him?"

Napairap ako nang maalala ang nangyari. "Aeron, we were hugging each other but that doesn't me I wanted to. He was the one who hugged me. Wait.. don't you trust me?"

"Jesus, Aisha. I trust you, okay? But why is he here?" Kitang kita ko ang frustration sa kanyang mata.

"It was a long story, Aeron. Grandma's friends with the Garcia who happened to be them. And.. when I was on highschool, I didn't know that I was friends with him. You see.. I don't remember it. I didn't know he was that boy."

Natahimik siya, tila pinoproseso kung ano man ang sinabi ko. "Sabi nila Kyra at ni Grandma, we were very close that time. Kaya lang ay hindi ko na maalala dahil iilang linggo lang yata kaming nagkasama nun dahil nagbakasyon lang sila dito."

Bumuntong hininga ako at hinawakan ang kamay niya. "I'm sorry kung nakita mo pa iyon. I'm sorry din kay Grandma kasi mukang mahihirapan ka rin na kunin ang loob niya.."

Tumingin siya sa akin, "I love you." Tanging iyon lang ang nasabi niya at gumaan na ang loob ko.

Tahimik kaming dalawa habang paunti unting kumakain. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. It was daddy.

May dala siyang tray na may lamang dalawang baso at drinks. Lumapit siya sa amin at tumaas ang dalawa niyang kilay at nagkibit balikat.

"You didn't bring your drinks with you, so.." aniya at ibinaba ang drinks sa table namin.

"Thank you, tito." Ani Aeron. Hindi ako makaimik dahil ngayong alam na ni daddy ang estado naming dalawa. "Aisha didn't tell me your status. I was shocked when I heard it." Saad ni daddy.

Ngumuso ako. Hindi siya mukang galit dahil kalmado ang kanyang boses.

"A long time ago, iho, Aisha had a boyfriend and since she was still young that time. We didn't let her." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni daddy. Hindi alam ni Aeron ang nakaraan ko. "That's why she's afraid to show her feelings for me.." agaran rin ang pagtingin ko sa kanya dahil sa sinagot niya.

StayWhere stories live. Discover now