Epilogue

351 13 3
                                    

Thank you so much for reading this story! Sana rin po ay suportahan niyo rin ang story ni Calix na Chase and Catch. Here's the epilogue.

---

"You really love her, don't you?" Tumango ako, "I really love her." Ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ko.

"May I go to her room po?" Tumango ang lola niya sa akin at kahit hindi man niya ako sinamahan paakyat ay ramdam ko ang titig niya sa akin.

Pagkapasok ko sa kwarto niya ay doon pa lang naamoy ko na ang pamilyar na amoy niya.

I fell so hard even with her scent. Ibinaba ko ang maleta ko at naupo sa kanyang kama.

"Aeron!" Elise called out my name. Napahinto tuloy ako sa paglakad papunta sa naghihintay naming sasakyan. Nagulat pa ako dahil sa dinami rami ng tatawag sa akin ay siya pa. She's still the same Elise I've seen year ago, she's really a lovely person when we were still together.

"Aeron... aalis ka na?" Bumuntong hininga ako. I can't leave her, I can't leave lalo na kung alam kong labag rin iyon sa loob niya. Hindi ko kayang umalis lalo na't alam kong napilitan lang siya. And damn it, where is she right now?

Calix has been calling her but her phone's out of reach. Our classmates were waiting for me to say goodbye pero hindi ko magawa dahil wala siya. I couldn't contact her dahil na lowbat ang cellphone ko.

"Aeron, I just want to apologize. Sa nangyari sa atin. Kung hindi naging maayos yung way ng pakikipaghiwalay ko sayo. Yung mga panahon na pinasama ko ang loob mo.. I'm sorry for that."

Hinayaan ko siyang magsalita. After months, gusto kong marinig ang totoong rason kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin. If it's because of her first love or if it's because she got scared of her parents.

"Truth is, I really loved you. I still love you actually.." tumulo ang luha niya at agad rin niyang pinunasan. "But I was not brave enough to fight for you. And I'm so sorry for that. Dahil gumawa ako ng rason para hiwalayan mo ako, I used David for you to forget me. At oo, nasaktan ako dahil parang ang bilis mong nakahanap ng iba."

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi niya.

"Pero yun nga ang dapat e, ang makahanap ka ng iba para tuluyang makalimutan mo ako. And I guess, I've succeeded. Mali ang umasang magkakabalikan pa tayo kasi kitang kita ko sa mga mata mo, na mahal mo talaga si Aisha. I saw something in your eyes na kailan man hindi ko nakita noong tayo pa. And I know she's so lucky to have someone like you dahil alam kong kayang kaya mo siyang ipaglaban sa kahit na sino. Dahil iyon ang bagay na ipinagkait ko sa iyo."

Yumakap siya sa akin at niyakap ko siyang pabalik.

"Fight for her, Aeron. No matter what."

"I will." Iyon naman talaga ang gagawin ko. I will fight for her kahit walang magsabi sa akin. I will fight for us.

Kahit pa ipagtabuyan niya ako, hindi ko magagawang iwan siya. Kahit man naiinis ako sa kanya dahil wala yata talaga siyang balak na siputin ako bago umalis ay hindi ko maikakailang mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya.

"Tangina, Aeron, saan ka pupunta?" Nagtiim bagang ako dahil sa pagpigil nanaman ng kung sino sakin sa paglakad papunta sa sasakyan namin patungong airport.

Nilingon ko si Calix na may galit sa mata. "You'll leave her?!" Masama ko siyang tinignan dahil sa tono niya.

"No. Pupuntahan ko siya sa kanila kaya wag mo akong pigilan sa pag alis dahil matagal na kong nagdesisyong hindi talaga tutuloy sa pag alis."

Umawang ang bibig niya at isang sapak ang natamo ko sa braso dahil sa kanya. Gagong to.

"Sige na." Aniya at hinagis sa akin ang susi ng Hilux niya. "Wag mong ibabangga ha." Aniya at tinalikuran ako. Napailing ako at tumalikod rin.

Why would I leave her if you pushed me to stay with her in the first place?

Naalala ko ang pag amin sakin ni Calix noon.

"Tangina mo, bro. Hindi ko nililigawan si Aisha kahit gusto ko siya kasi alam kong ikaw yung gusto niya. Where's your ball, man? Just because Elise broke up with you, hindi ibig sabihin ganoon din yung gagawin ni Aisha."

That's why I had the guts to admit to her my feelings. Aaminin kong naduwag ako noong una but damn alam ko na ngayon kung bakit parang sinanay akong matakot, dahil kakailangan kong harapin lahat ng takot at lumaban para sa kanya.

"I'm sorry ate. Pakisabi kala mom and dad na I'll always be a good son, tatapusin ko ang pag aaral ko dito." Ngumiti sa akin si ate at niyakap ako. Aizy's crying as she waved her goodbye to me. Hinalikan ko si Aizy sa kanyang noo at ganoon din si ate at nagpaalam na sa kanila.

Napabuntong hininga ako at tumayo para libutin ang kwarto niya. Nakita ko ang pamilyar na libro na dati niyang binabasa.

If I stay

Napangisi ako at binuksan iyon at nakita ang pamilyar na bookmark na dahilan kung bakit kami nagkalapit. Naalala ko pa ang una naming pag uusap. Naaalala ko pa kung paano siya namula noon, naaalala ko pa ang pagsilay ng ngiti sa maganda niyang labi at kung paano pang hindi makatingin ng diretso sa akin ang magaganda niyang mata.

Kinapa ko sa aking bulsa ang maliit na kahon kung saan naroon ang isang bagay na dapat na ibibigay ko noong birthday pa niya.

I'll give this to her when she arrives.

Napangisi ako nang mapagtanto ang sinabi sa akin ng grandma niya kanina.

"What are you doing here? Hindi kayo nagkita ng apo ko? She rush to the university to stop you, iho!" Nagulat pa ako dahil sa lintya na yon sa akin.

"Hindi na po ako tumuloy--"

"Aisha must be crying her heart out right now, iho. Kagabi pa siya umiiyak at kaninang nagmamadali siyang umalis ay panay pa rin ang iyak niya."

Umawang ang bibig ko. I knew it! She never wants it. She wants to stop me pero hindi niya ginawa noon. She's been crying all night and just the thought of it makes me want to punch myself dahil ako ang dahilan na'yon.

"Anyway, I'm sorry for being so hard on the both of you, iho. And you.. you just made me realize how much you love my apo by fighting for her, by staying with her."

Napalingon lang ako sa pinto nang bumukas iyon at mabilis niyang sinarado, nakita ko siyang umiiyak at narinig ko ang paghikbi niya.

Humihikbi siya nang mapalingon sa maleta ko at ganoon na lang nang mabilis siyang tumingin sa akin.

Damn it! Seeing her cry breaks my heart into pieces.

"A-Aeron.. A-Aeron--" hindi ko na siya pinatapos at niyakap ko na siya agad ng mahigpit.

Lumakas ang pag iyak niya dahilan para mas lalo lang mawasak ang puso ko. I swear I'm not gonna leave her.

"Ssh.. I'm here. I told you I'm not going to leave you--"

"Stay.. Don't leave me. Please stay.. I promise I won't let you go again, just.. stay."

Hinawakan ko siya sa balikat niya para ilayo ng kaunti at tinignan ang mga mata niya. Pinunasan ko ang mga luha niyang patuloy sa pagtulo.

"I'm here to stay. Don't ever let me go. But if you do, I will always come back to you. I won't get tired of coming back to you."

Tumitig siya sa akin at ganoon din ako sa kanya.

"Alam kong bata pa tayo at marami pa tayong pagdadaanan. But I want to give you this." Unti unti akong lumuhod sa harap niya at nakita ko rin ang gulat sa mga mata niya. Napangiti ako habang kinukuha ang maliit na kahon sa aking bulsa.

"Hindi man ito yung tamang panahon para dito pero siguradong sigurado na ako sayo. I want to be yours. I want to be your husband when the time comes. I want to grow old with you. I want you to be mine and mine only.. and if you'll wear this, I promise.. kapag successful na tayong dalawa, I will marry you.."

Kinuha ko doon ang singsing na ipinagawa ko para sa kanya.

"Will you be mine?" Tumango siya habang umiiyak. Isinuot ko sa kanyang daliri ang singsing. Yumakap siya sa akin ng mahigpit.

"I'm yours.. noon pa man.. sayong sayo na ako." Napakagat ako sa labi ko nang sabihin niya yon at hinalikan na siya.

Damn! I love you, Aisha. I love you so much!

StayWhere stories live. Discover now