Chapter 5

293 8 0
                                    

Chalter 5

Calix Fernandez

Pagkauwi ko sa bahay agad na sumalubong sa akin si kuya Andrew na naghihintay sa labas ng gate namin. Napatingin ako sa relo ko at nakitang 6:20 na ng gabi. Malamang sa malamang ay nag alala na naman sila. "Ba't ngayon ka lang?" 

"Gumawa pa kasi kami ng thesis. Nandiyan na ba sila mommy?" hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na nakipagkita ako sa isang lalaki. Baka mamaya ano pa ang isipin nila. Tumango si kuya at pumasok na kami sa gate namin. 

Pagkarating namin sa loob ay nakita ko si mommy na nag co-coffee at si daddy naman ay nagbabasa ng dyaryo. "Nandito na po ako" nagmano ako at binigyan sila ng halik sa pisngi bago pumanik sa kwarto ko. 

Kinuha ko ang cellphone ko na may mga messages. Maraming text akong natanggap galing kala Risha na iisa lang naman ang tanong "Ano nangyari sa meet up niyo?"  napailing na lang ako. Napansin ko rin sa messages ang isang un-known number.

"Hey, nakauwi ka na? -Aeron" oo nga pala, binigay ko nga pala sa kanya ang number ko. Sinave ko na rin ang number niya sa phone ko bago ko siya nireplyan.

Oo, thank you ulit

hinintay ko ang reply niya pero ala na akong natanggap, baka busy. Sinawalang bahala ko na yun at namahinga muna. Nagreply ako kala Risha na kumain lang kami ni Aeron at nagkwentuhan ng bahagya pagkatapos ay kung anu-ano na lang ang ginawa ko. 

Maya maya lang ay may kumakatok sa pinto ng kwarto ko binuksan ko iyon at laking gulat ko nang makita si kuya Axel. "Kakain na" yun lamang ang sinabi niya. "Ba't nauwi ka ngayon, kuya? Akala ko ba ang day off mo ay Saturday?" sa Manila kasi siya nagta-trabaho.

"Nagbago schedule ko e, bumaba ka na at may uwi ako" tumango ako sa kanya at kinuha ang cellphone ko at bumaba na rin. Kumakain kami nang biglang tumunog ang cellphone ko, napatingin sila lahat sa akin. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nagulat ako nang pangalan ni Aeron ang rumihistro sa screen ko. 

"Excuse po" tumayo ako at sinagot ang tawag "Hello?" bati ko sa kanya. 

"Hey, naistorbo ba kita?" 

"Uh, medyo. Kumakain kasi kami e"

"Sorry, sige I'll just text you later. Baba ko na to" 

Napakagat ako sa ibabang labi ko pagkatapos niyang tumawag. Bumalik ako sa table namin at pinagpatuloy ang pagkain nang magsalita si kuya Andrew "Sino yon?" 

"Kaklase ko" pagpapalusot ko na lang. "Kaklase? Baka naman boyfriend mo yon?" napatigil ako sa pagsubo at napataas ang kilay ko "Kaklase nga diba, at tsaka ala kong boyfriend" nakakaasar. Natahimik sila at minabilis ko na lang ang pagkain at umakyat na sa taas. 

Pag ba may tumawag, boyfriend na agad? Kaya ang hirap mag open sa kanila e, masyado nilang binibigyan ng malisya ang mga bagay bagay. 

I turn on the aircon at namahinga ako sandali at pinatay na ang ilaw ng kwarto ko at tsaka nahiga. Malapit na mag 9 ng gabi pero hindi pa rin ako inaantok. Actually dapat ngayong mga oras na to natutulog na ako pero hindi ako makatulog ngayon. 

Tumunog ang phone ko at tinignan kung sino ang nagtext. Si Aeron pala.

"Gising ka pa?"

"Oo, di ako makatulog e."

"Me too. About a while ago, sorry for what I've acted" huh? Anong sinasabi niya?

"Saan?" 

"When we were about to go. Nung nakita ko si Elise, she's my ex, ang sakit pala malaman yung totoo." Ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya? 

StayWhere stories live. Discover now