Chapter 7

249 14 0
                                    

Chapter 7

I love your scent..

Hindi ko naiwasang maging abala sa mga nagdaan na araw, bukod sa patapos na ang midterm at dahil na rin sa thesis namin ay dumagdag pa ang mga nagpatung-patong na activities na galing sa iba't ibang subjects.

Kasalukuyan kaming nakatambay sa reading area ng main building, open ang area na ito at malapit lang sa canteen, nandito kami para hintayin ang next class namin, which is PE. Tahimik dito at mga nagsisipag aral ang mga nakaupo at nakaharap sa kani-kanilang table.

Si Jewel ay nakadukdok sa mesa at natutulog, masakit daw kasi ang ulo niya kaya naman ay matutulog muna siya, si Courtney ay abalang nakikipagtext kay JM na manliligaw niya, si Risha naman na nasa tabi ko ay nakapangalumbaba habang nakatingin rin sa kanyang cellphone na halatang hinihintay ang text ng boyfriend niyang si Jacob. Samantalang ako ay ineenjoy lang ang pakikinig sa kanta.

Mahilig ako sa pagkanta, sa katunayan ay sanay akong tumugtog ng gitara at ng piano, hilig ko ang pagtugtog at talaga namang ramdam ko ang pagpindot ko sa bawat keys ng piano at pag strum ng gitara lalo na kung stress o malungkot ako. Madalas doon ko inuubos ang oras ko sa pagtugtog.

"Aisha someone's checking on you" bulong ni Risha na nakapagpalingon sa akin. Nginuso niya ang gilid ko at nakita ko doon ang nakatayo at nakahalukipkip na si Aeron. Ngumuso ako dahil sa tingin niya. Binaba ko ang earphone ko na nakapasak sa aking tainga at hinarap si Aeron.

Lumapit siya sa amin dahilan upang magtinginan sa amin ang iilang babae na nagdadaan at mga nag aaral. "Mind if I sit here?" Umiling kami nila Risha at umusod kaming dalawa para makaupo siya sa tabi ko. Ang kaninang natutulog na si Jewel ay umayos ng upo at tinignan kaming dalawa. Ramdam ko ang pagtayo ni Risha at nakita ko ang paglipat niya sa kabilang upuan kung saan nakaupo sila Courtney at Jewel. Napalunok ako nang makita ang mga mapanuri nilang tingin.

Kasabay ng paglaki ng mata nilang tatlo ay halos maestatwa ako dahil sa bulong ni Aeron "Hi girlfriend" naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. Napausod ako sa kabilang side at tinignan siya ng masama. Pakiramdam ko ay pulang pula ang muka ko.

Humalakhak siya nang makita ang reaksyon ko. How could he be so handsome? Ah shit ano ba ang sinasabi ko? Nagpabalik balik ang tingin nila Jewel sa amin at kita ko rin ang pamumula ng mga pisngi nila.

"Ano nanaman ang sinasabi mo, Aeron?" Mabuti at naiwasan ko ang pagkautal. Mabuti nga at binulong lang yon ni Aeron dahil panigurado akong uulanin ako ng tanong nila Risha kung bakit ganoon dahil di ko naman naikwento sa kanila ang nangyari nung nakaraang linggo sa amin ni Aeron.

"Kinukumusta lang naman kita" sabay kibit balikat niya. Narinig ko pa ang pekeng pag ubo nila Risha dahilan upang maalala kong hindi ko pa sila pinapakilala kay Aeron. "Oo nga pala, mga kaibigan ko. That is Courtney at the left, Jewel at the center and Risha at the right. Guys, this is Aeron" ngumiti sila Risha at naglahad ng kamay si Aeron sa kanilang tatlo.

"Aeron Alvaro here, her boyfriend" halos masamid ako sa sinabi ni Aeron at kitang kita ko ang gulat na rumehistro sa mga muka ng mga kaibigan ko. Isang mabilis na iling ang ginawa ko at tinampal ang braso ni Aeron. Muli siyang humalakhak habang ako ay bwisit na bwisit tumingin sa kanya.

"Isa, Aeron masasapak na kita! Kung anu-ano ang sinasabi mo."

"What? Wala namang masama sa sinabi ko, lalaking kaibigan, hindi ba?"

Nagkibit balikat siya at saka tumawa ulit. Nagtawanan na rin ang mga kaibigan ko dahil sa sinabi niya. Bwisit na lalaking 'to. Hindi ko malaman kung bakit ako ang pinagt-tripan.

"Anong oras ang PE niyo?" Pagbabago niya ng usapan. "3:30" tanging sagot ko. Tinignan ko ang oras at nakitang isang oras pa bago ang PE namin. Tumango siya at suminghap "Kumain na kayo?" Tanong niya sa amin.

StayUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum