Chapter 50

208 7 0
                                    

Chapter 50

Selfish

Dati-rati ay hinihiling ko na sana bumilis ang oras, sana matapos agad ang isang linggo. Ngayong aalis na siya ay hinihiling ko naman ngayong sana ay bumagal ang oras at huwag matapos ang isang linggo.

Pero wala na e. Kahit anong hiling kong bumagal ang oras ay ayaw mapagbigyan ang hiling ko.

"Aalis na ako bukas, aren't you gonna stop me?" Ngumisi ako ng hilaw sa kanya sa sinabi niya.

"Nope." Nasa kanila ako at tinutulungan ko siyang igayak ang gamit niya.

Namamanhid na yata ako dahil kahit alam kong nasasaktan ako ay parang wala akong maramdaman.

"Really, eh?" Tumango ako at inilagay ang huling damit niya sa maleta.

"Hindi mo rin ako ihahatid?" Umiling ako bilang sagot.

Napag usapan na naming hindi ako sasama sa paghatid sa kanya. "For real?" Natawa ako ng bahagya sa kanya.

"Nakakainis 'to! Sinabi ko na ngang hindi. Tsaka kukuha akong card bukas." Nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"Tsaka, matulog ka ng maaga ngayon. You need to wake up early tomorrow kung gusto mong dumaan ng school to say goodbye to our classmates diba."

Inayos ko ang mga nagkalat niyang gamit.

"Bakit ganoon?" Napalingon ako sa kanya.

"Anong bakit ganoon?" Nakakunot ang noo niya sa akin habang pinagmamasdan ako.

"Bakit parang ang dali sayong i-let go ako? Won't you really going to ask me to stay and never let me go?"

Kinagat ko ang labi ko at binitawan ang mga gamit niya at nilapitan siya.

"Hindi iyon ganoon, Aeron. It's hard for me to let you go pero ito yung tama. Your family needs you--"

"And how about you? Don't you need me? Because, damn it, Aisha. My family needs me but I need you too." Nabasag ang boses niya at tumulo ang luha.

Agaran ko siyang niyakap.

"I'm sorry.. please, stop crying. I need you for real. Kaya ko lang naman naisip na huwag sumama sa paghatid sayo dahil baka hindi ko kayanin. Baka pigilan kita."

"Then, stop me! I need you to stop me!"

Humikbi ako at umiling.

"I can't." Humiwalay ako sa kanya.

"I love you, Aeron. I'm doing this for you. And you're doing this for your family and for us."

Humalik ako sa kanya at nagmadaling lumabas.

Nakita ko pa si ate Ailah sa labas ng kwarto ni Aeron, hindi niya ako napigilang umalis dahil mukang nagulat ko siya noong lumabas ako sa pinto.

I don't mind if she heard us talking. This will be the last time I'm gonna see him at mukang galit pa siya sa akin.

Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko doon si grandma. Nagmano lang ako sa kanya at pati kala mommy at nagdiretso na sa kwarto ko.

Doon ay binuhos ko ang lahat ng nararamdaman ko. I'm scared. Paano kung makahanap siyang iba sa Italy? Paano kung makalimutan niya ako?

Ako? I swear to God and to myself, that I will never find someone better than him. I will never find someone like him. Because he owns me.

Siya lang.

Natatakot ako sa distansya. Natatakot akong magkalayo kami pero ayokong sabihin sa kanya dahil alam kong magbaback out siya.

Palagi kong pinaaalalahanan ang sarili ko na distansya lang ang makapaglalayo sa amin pero hindi iyon magiging rason para maghiwalay kami.

StayTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang